Saturday, December 24, 2011

Hindi malamig ang Pasko ko! >:)

Nagising ako dahil sa walang humpay na tunog ng mga kwitis na kay-agang ini-ere ng mga malayo naming kapitbahay sa mababang kalawakan. Banas pa nga dahil gusto ko pa sanang matulog. Umaga ng ika-19 na Pasko ko dito sa mundo. Amen! :)

Karaniwang gawain tuwing umaga at pinaka-una sa lahat ang pagpapakulo ng tubig. Hanggang ngayon nagpapakulo pa rin kami sa takure na halos kasing-edad ko na rin. Classic, at sa palagay ko matagal-tagal pa bago kami magkaroon ng panibagong takure.

Kasalukuyan ko na ding iniinit yung mga niluto naming ulam kahapon. Hamonado ang nakasalang ngayon. Kakabalik ko lang dito sa keyboard galing sa kusina para i-check kung kumukulo na. Ambango.

"Ligo na tayo!" narinig ko na sinambit ng isang batang babae sa labas. Pakiramdam ko tuloy paslit pa rin ako. Noon kasi, at hanggang ngayon pa rin naman, isa ang Araw ng Pasko sa mga araw na hindi ko kinatatamarang gumising ng maaga (nakakatamd lang maligo dahil anlamig pa). Maya-maya lang dadagsa na rin ang mga batang 'yon dito sa bahay. Nakupo. Namamasko ko po! Mano po!

Nakakamis na ring 'maging bata tuwing Pasko'. Unang-una, dahil mainit na tsokolate at hindi kape ang ikinakarga kong pampainit ng sikmura. Kape na ngayon, nataong black and strong pa yung nandito sa bahay. Pangalawa, syempre, dahil ikaw lagi yung nakakatanggap ng pera, regalo, at wala kang iintindihin kundi magmano at ngumiti at bumati ng 'Merry Christmas po!' at syempre, magpasalamat. Ngayon, ugh, sa akin na nagmamano, ako na yung nginingitian at binabati ng 'Merry Christmas po!' at (higit sa lahat, na nakakataba rin naman ng puso), pinapasalamatan. :">

Eto na nga bang sinasabi ko e. May kumakatok na, hindi naman namamasko, magpapaload (kumikitang kabuhayen in the house!). :D Kaso sa oras na buksan ko ang pintuan ng aming tahanan e WALA NANG BAWIAN. Touch, move! Isang mahigpit na batas pa naman (na umeepekto lang tuwing Pasko) e ang mga magulang ko lang ang may awtoridad na magbubukas ng pinto. Pasensya na hindi ko kayo mapagbubuksan! T.T

Sabi sa ulat-panahon ng PAGASA, maaaring maging makulimlim at maulan ang araw na 'to. Makulimlim na nga, pero Pasko pa rin naman ang simoy ng hangin. Kahapon, habang magkausap kami ng Lola ko, nabanggit niya na sana e hindi umulan ngayon, dahil hindi mag-eenjoy ang karamihan (sa pamamasko o pamamasyal). May bahagi ng sarili ko na nag-agree din naman sa sinabi niya. Pero may bahagi ko rin na napa-isip dahil ang tunay na diwa naman talaga ng Pasko e ang paggunita sa pagsilang ni Jesus Christ. At syempre, ang pagmamahalan, sa pamamagitan ng pagbibigayan at pagpapakumbaba. Omaygulay, hindi na nga ako bata.



Natanggap namin kagabi yung isa sa mga hiniling ko para sa Pasko. Habang nagluluto kasi kami ni Mama, nasabi ko na sana magkaroon kami ng microwave oven para makagawa kami ng pizza dito sa bahay. Natulog ako noong hapon, at paggising ko, may malaking pulang kahon na sa sala namin, bigay daw ni Tito Alex (nakababatang kapatid ni Papa). Pagpatak ng alas dose, binuksan ni Raenel yung kahon, at voila! OVEN TOASTER. YEEEEEEY! :)))))))) God is good!

Pero higit sa lahat, may answered prayer din ako. Nasilayan ako ng magandang sinag ng araw kaninang maaga-aga pa, habang nag-iinit ng ulam sa kusina. Ang Lord agad ang naalala ko, at lubos akong nagpasalamat sa pamamagitan ng pagngiti sa sumisilip na araw. :")

Carpe diem!

No comments: