Mangilan-ngilan pa rin ang nagpapakawala ng kwitis sa may 'di kalayuan, dahilan para maging tuliro si Ccino. Hindi na niya kinasanayan ang bawat salubong tuwing bagong taon kaya't pinapayagan namin siyang pumasok sa bahay. Panay ang kanyang akyat-panaog at paroo't parito sa tuwing makaririnig ng putok. Mabuti na lang at napirmi siya ngayon (sa ilalim na hagdan) nang dumating si Papa. Nagising na din si Mama at Chen-chen matapos magsiesta. Merienda na.
Iniisip ko kung paano ako babati ng Manigong Bagon Taon sa mga kaibigan ko sa fb. Sinagot ako ng awiting Kanlungan ni Noel Cabangon, at awtomatikong nanariwa ang mga alaala ng nagdaang taon. Napakaraming dapat ipagpasalamat - maging ang luha at pagkalugmok.
"Malayang tulad ng mga ibon, ang gunita ng ating kahapon.."
Naaalala niyo pa siguro yung isang commercial ng McDonald's sa saliw ng kantang 'to. Habang pinapakinggan ko siya, naunuot ang bawat salitang sinaliwan ng imba niyang pag-tipa sa gitara. Sa mga nakaka-relate sa commercial na yun (at sa mismong kanta), apir tayo (kung kumpleto pa ang mga daliri niyo - biro lang).
Happy New Year pala. :)
No comments:
Post a Comment