Wednesday, March 14, 2012

sa sobrang lungkot ko, hindi ko na alam kung saan pa huhugot ng luha.


paalam, Milo. :(

Sunday, January 1, 2012

Hapon. Napakapayapang hapon kasama ng tuliro kong aso at isang tasang kape (na naman). Kung pwedeng lang lasapin ang ganitong uri ng kapayapaan, busog na busog na siguro ako at 'di ko na kailangan pang magminindal.

Mangilan-ngilan pa rin ang nagpapakawala ng kwitis sa may 'di kalayuan, dahilan para maging tuliro si Ccino. Hindi na niya kinasanayan ang bawat salubong tuwing bagong taon kaya't pinapayagan namin siyang pumasok sa bahay. Panay ang kanyang akyat-panaog at paroo't parito sa tuwing makaririnig ng putok. Mabuti na lang at napirmi siya ngayon (sa ilalim na hagdan) nang dumating si Papa. Nagising na din si Mama at Chen-chen matapos magsiesta. Merienda na.

Iniisip ko kung paano ako babati ng Manigong Bagon Taon sa mga kaibigan ko sa fb. Sinagot ako ng awiting Kanlungan ni Noel Cabangon, at awtomatikong nanariwa ang mga alaala ng nagdaang taon. Napakaraming dapat ipagpasalamat - maging ang luha at pagkalugmok.

"Malayang tulad ng mga ibon, ang gunita ng ating kahapon.."

Naaalala niyo pa siguro yung isang commercial ng McDonald's sa saliw ng kantang 'to. Habang pinapakinggan ko siya, naunuot ang bawat salitang sinaliwan ng imba niyang pag-tipa sa gitara. Sa mga nakaka-relate sa commercial na yun (at sa mismong kanta), apir tayo (kung kumpleto pa ang mga daliri niyo - biro lang).

Happy New Year pala. :)

Saturday, December 24, 2011

Hindi malamig ang Pasko ko! >:)

Nagising ako dahil sa walang humpay na tunog ng mga kwitis na kay-agang ini-ere ng mga malayo naming kapitbahay sa mababang kalawakan. Banas pa nga dahil gusto ko pa sanang matulog. Umaga ng ika-19 na Pasko ko dito sa mundo. Amen! :)

Karaniwang gawain tuwing umaga at pinaka-una sa lahat ang pagpapakulo ng tubig. Hanggang ngayon nagpapakulo pa rin kami sa takure na halos kasing-edad ko na rin. Classic, at sa palagay ko matagal-tagal pa bago kami magkaroon ng panibagong takure.

Kasalukuyan ko na ding iniinit yung mga niluto naming ulam kahapon. Hamonado ang nakasalang ngayon. Kakabalik ko lang dito sa keyboard galing sa kusina para i-check kung kumukulo na. Ambango.

"Ligo na tayo!" narinig ko na sinambit ng isang batang babae sa labas. Pakiramdam ko tuloy paslit pa rin ako. Noon kasi, at hanggang ngayon pa rin naman, isa ang Araw ng Pasko sa mga araw na hindi ko kinatatamarang gumising ng maaga (nakakatamd lang maligo dahil anlamig pa). Maya-maya lang dadagsa na rin ang mga batang 'yon dito sa bahay. Nakupo. Namamasko ko po! Mano po!

Nakakamis na ring 'maging bata tuwing Pasko'. Unang-una, dahil mainit na tsokolate at hindi kape ang ikinakarga kong pampainit ng sikmura. Kape na ngayon, nataong black and strong pa yung nandito sa bahay. Pangalawa, syempre, dahil ikaw lagi yung nakakatanggap ng pera, regalo, at wala kang iintindihin kundi magmano at ngumiti at bumati ng 'Merry Christmas po!' at syempre, magpasalamat. Ngayon, ugh, sa akin na nagmamano, ako na yung nginingitian at binabati ng 'Merry Christmas po!' at (higit sa lahat, na nakakataba rin naman ng puso), pinapasalamatan. :">

Eto na nga bang sinasabi ko e. May kumakatok na, hindi naman namamasko, magpapaload (kumikitang kabuhayen in the house!). :D Kaso sa oras na buksan ko ang pintuan ng aming tahanan e WALA NANG BAWIAN. Touch, move! Isang mahigpit na batas pa naman (na umeepekto lang tuwing Pasko) e ang mga magulang ko lang ang may awtoridad na magbubukas ng pinto. Pasensya na hindi ko kayo mapagbubuksan! T.T

Sabi sa ulat-panahon ng PAGASA, maaaring maging makulimlim at maulan ang araw na 'to. Makulimlim na nga, pero Pasko pa rin naman ang simoy ng hangin. Kahapon, habang magkausap kami ng Lola ko, nabanggit niya na sana e hindi umulan ngayon, dahil hindi mag-eenjoy ang karamihan (sa pamamasko o pamamasyal). May bahagi ng sarili ko na nag-agree din naman sa sinabi niya. Pero may bahagi ko rin na napa-isip dahil ang tunay na diwa naman talaga ng Pasko e ang paggunita sa pagsilang ni Jesus Christ. At syempre, ang pagmamahalan, sa pamamagitan ng pagbibigayan at pagpapakumbaba. Omaygulay, hindi na nga ako bata.



Natanggap namin kagabi yung isa sa mga hiniling ko para sa Pasko. Habang nagluluto kasi kami ni Mama, nasabi ko na sana magkaroon kami ng microwave oven para makagawa kami ng pizza dito sa bahay. Natulog ako noong hapon, at paggising ko, may malaking pulang kahon na sa sala namin, bigay daw ni Tito Alex (nakababatang kapatid ni Papa). Pagpatak ng alas dose, binuksan ni Raenel yung kahon, at voila! OVEN TOASTER. YEEEEEEY! :)))))))) God is good!

Pero higit sa lahat, may answered prayer din ako. Nasilayan ako ng magandang sinag ng araw kaninang maaga-aga pa, habang nag-iinit ng ulam sa kusina. Ang Lord agad ang naalala ko, at lubos akong nagpasalamat sa pamamagitan ng pagngiti sa sumisilip na araw. :")

Carpe diem!

Tuesday, December 20, 2011

Banglog.

Sabi ng text mate ko sa umagang ito, bangag na daw ako.
Ilang minuto na rin ang lumipas mula nung sumapit ang alas dos ng umaga. Siguro nga. Siguro nga bangag na talaga ko.


Kaso may nagtutulak talaga sa kin na pumindot pa sa keyboard. Baka pagsisisihan ko pa kapag hindi ko pinagbigyan 'tong udyok na 'to.


Mali ako. Kailangan ko na talagang matulog. Kasi nung magsimula na kong 'magsulat', bina-backspace ko lang yung karamihan sa mga tinatayp ko. Meron akong gustong sabihin, ipahayag. Pero dahil wala na nga ko sa matinong estado ng pag-iisip (dulot ng disruption sa aking circadian rhythm, WAH), at nagkagulo-gulo na ang mga bagay-bagay sa aking utak, pulos latak na lang ang nae-encode ng mga daliring ito. Langong mga brain cells, kamown.


Pinasadahan ko yung nauna kong tinayp. Babae. Pabago-bago ng isip. Naalala ko yung isa kong blockmate. Noong magkasabay pa kaming umuwi, madalas, food trip muna bago sumakay sa tren. Madalas din na naba-babae kami sa pagpili ng kakainang food stall. Gusto ko ng waffle, kaso katapat nun yung siomai, tas may katabi pang noodle stall. Sa huli, sa classic kwek-kwek at mango jelly din kami nauwi. Halagang bente singko pesos, solb ka na. 


Eto na naman tayo, self. Eto na naman ang nagkalat at tila mga kabuteng ideya na basta na lamang nagsulputan mula sa sulok-sulok ng iyong mahiwagang utak. Nariyan ka na nama't nakatitig sa monitor at sinisimot ang bawat salitang kaya pang abutin ng banidosong manunulat na nananahan sa iyong pagkatao. 


Masyado pang maaga para mag-almusal. Pero mukhang ubos na yata ang banglog na hain ng papalapit na bukang-liwayway. Isang oras na lang bago magsimula ang misa para sa ika-anim na araw ng simbang gabi. Apat na araw mula sa opisyal na itinakdang araw ng paggunita sa pagsilang ng Tagapagligtas. At ilang sandali na lamang bago tuluyang maputol ang --


Ang bangag na blog. Bow.



Thursday, December 8, 2011

walang 'di maaantig.



Nagsimulang umingay sa entablado, putok ng baril, sigaw ng isang lalaki, at maya-maya’y si Sisa na ang lumantad. Tuluyan na siyang tinakasan ng bait, ngunit namumutawi pa rin sa kanyang mga labi ang pangalan ng dalawa niyang minamahal na anak. Hindi na lubos na kinaya ng kanyang damdamin ang kapighatiang nag-uumapaw sa kanyang dibdib, ang kahihiyan, ang pagka-ulila. Samantala’y naulinigan siya ng anak na si Basilio, na dahil sa tama ng baril sa binti’y paikad-ikad nang patakbong humabol sa kanyang tulirong ina. Nang maabuta’y hindi pa siya agad na nakilala, paglao’y tila bumalik ang matinong ulirat ni Sisa, at pinupos ng halik ang kanyang panganay, niyakap, dinama ang pisngi nitong dinadaluyan ng maitim na luha dahil sa karungisan. Nakilala niya si Basilio, at naparamdamn niya rito ang kanyang walang kapantay na pagmamahal, bago siya tuluyang malagutan ng hininga. Balot ng pighati ang bawat hagulgol at pagsamo ni Basilio, at lubos na nakakalungkot na hindi na niya makakapiling pa nang buhay ang ina kahit pa isang dagat ang kanyang iluha. 

- bahagi ng buod na nilikha ng inyong lingkod para sa reaction paper sa PI 100 
sa produksyon ng Dulaang UP na Noli: The Opera
walang 'di maaantig. :'(
-HENO.

Sunday, June 12, 2011

impulso.

6:46am dito sa orasan ko. dapat naka-upo na ko sa trono nang ganitong oras. dapat 8am nasa skwelahan na ko at nag-aasikaso sa form5 ko: PERO HINDE.

unang araw ng ikatlong taon ko sa kolehiyo. ambilis. pero kapag inaalala ko yung mga nakaraang taon, UGH. ansarap sa pakiramdam na nalagpasan mo lahat 'yon, kahit gano kahirap. ngayon, may mga bagong sabak na naman sa 'industriya' na 'to, isa na sa kanila ang kapatid ko, at sa totoo lang, nag-aalala ako para sa kanya (sana hindi niya mabasa 'to, 'di kasi ako talaga cheesy). pano kase, nung hayskul sya, nararating na niya ang skwelahan nang, ewan, minimum siguro 2 minutes, pag nagmamadali. ngayon, maximum of 2 hours, saka pa lang siya makakahinga mula sa polusyon, ingay, pagod sa byahe, etc. isipin niyo na lang kung gano kalaki yung diperensya. mula ngayong araw na 'to, 5 days a week niya tya-tyagain 'yon (sorry sa spelling nung tiyaga). kamote, kahit ako mahihirapan sa adjustment na gagawin niya. God bless you 'tol.

well. 7:02 na. LAGOT. ubos na ang kape ko. hindi ko pa nakakargahan ang sikmura ko ng matinong pagkain. tumingin ako sa labas, makulimlim at makuliglig. humuhuni na rin ang mga ibon, pati ang mga dumaraang sasakyan. Maynila. kahit gaano pa siya kaganda, kaunlad?, at kataas sa pananaw ng mga nasa pook-rural, 'di pa rin niya maitatago na malungkot siya.

naaamoy ko na ang piniritong tuyo mula sa katabi naming carinderia, pati yung sabon na gamit ng kararating ko lang na dormmate - nagjogging kasi siya.

basta na lang ako nagtayp ng kahit ano ngayon, tulad sa isang journal. at tulad din ng ibang entry ko dito (at sa iba ko pang blog siguro), walang malinaw na kinahihinantnan ang mga sulatin ko. walang malinaw, pero meron.

Friday, May 6, 2011

Norte :)


dami nilang puno dun sa NWU, asa pa ko sa Manila. :| *bitter*


Kapurpurawan: Limestone Formation + blue sky + someone. HAHA. guess who. :D


Bangui! kunwari surfing o. DI NAMAN. x)


iron windmills, si Marcos daw nagpagawa nyan. K.


view mula sa roofdeck ng alumni house, laki ng field nila, bitter talaga ko.