Nagising ako dahil sa walang humpay na tunog ng mga kwitis na kay-agang ini-ere ng mga malayo naming kapitbahay sa mababang kalawakan. Banas pa nga dahil gusto ko pa sanang matulog. Umaga ng ika-19 na Pasko ko dito sa mundo. Amen! :)
Karaniwang gawain tuwing umaga at pinaka-una sa lahat ang pagpapakulo ng tubig. Hanggang ngayon nagpapakulo pa rin kami sa takure na halos kasing-edad ko na rin. Classic, at sa palagay ko matagal-tagal pa bago kami magkaroon ng panibagong takure.
Kasalukuyan ko na ding iniinit yung mga niluto naming ulam kahapon. Hamonado ang nakasalang ngayon. Kakabalik ko lang dito sa keyboard galing sa kusina para i-check kung kumukulo na. Ambango.
"Ligo na tayo!" narinig ko na sinambit ng isang batang babae sa labas. Pakiramdam ko tuloy paslit pa rin ako. Noon kasi, at hanggang ngayon pa rin naman, isa ang Araw ng Pasko sa mga araw na hindi ko kinatatamarang gumising ng maaga (nakakatamd lang maligo dahil anlamig pa). Maya-maya lang dadagsa na rin ang mga batang 'yon dito sa bahay. Nakupo. Namamasko ko po! Mano po!
Nakakamis na ring 'maging bata tuwing Pasko'. Unang-una, dahil mainit na tsokolate at hindi kape ang ikinakarga kong pampainit ng sikmura. Kape na ngayon, nataong black and strong pa yung nandito sa bahay. Pangalawa, syempre, dahil ikaw lagi yung nakakatanggap ng pera, regalo, at wala kang iintindihin kundi magmano at ngumiti at bumati ng 'Merry Christmas po!' at syempre, magpasalamat. Ngayon, ugh, sa akin na nagmamano, ako na yung nginingitian at binabati ng 'Merry Christmas po!' at (higit sa lahat, na nakakataba rin naman ng puso), pinapasalamatan. :">
Eto na nga bang sinasabi ko e. May kumakatok na, hindi naman namamasko, magpapaload (kumikitang kabuhayen in the house!). :D Kaso sa oras na buksan ko ang pintuan ng aming tahanan e WALA NANG BAWIAN. Touch, move! Isang mahigpit na batas pa naman (na umeepekto lang tuwing Pasko) e ang mga magulang ko lang ang may awtoridad na magbubukas ng pinto. Pasensya na hindi ko kayo mapagbubuksan! T.T
Sabi sa ulat-panahon ng PAGASA, maaaring maging makulimlim at maulan ang araw na 'to. Makulimlim na nga, pero Pasko pa rin naman ang simoy ng hangin. Kahapon, habang magkausap kami ng Lola ko, nabanggit niya na sana e hindi umulan ngayon, dahil hindi mag-eenjoy ang karamihan (sa pamamasko o pamamasyal). May bahagi ng sarili ko na nag-agree din naman sa sinabi niya. Pero may bahagi ko rin na napa-isip dahil ang tunay na diwa naman talaga ng Pasko e ang paggunita sa pagsilang ni Jesus Christ. At syempre, ang pagmamahalan, sa pamamagitan ng pagbibigayan at pagpapakumbaba. Omaygulay, hindi na nga ako bata.
Natanggap namin kagabi yung isa sa mga hiniling ko para sa Pasko. Habang nagluluto kasi kami ni Mama, nasabi ko na sana magkaroon kami ng microwave oven para makagawa kami ng pizza dito sa bahay. Natulog ako noong hapon, at paggising ko, may malaking pulang kahon na sa sala namin, bigay daw ni Tito Alex (nakababatang kapatid ni Papa). Pagpatak ng alas dose, binuksan ni Raenel yung kahon, at voila! OVEN TOASTER. YEEEEEEY! :)))))))) God is good!
Pero higit sa lahat, may answered prayer din ako. Nasilayan ako ng magandang sinag ng araw kaninang maaga-aga pa, habang nag-iinit ng ulam sa kusina. Ang Lord agad ang naalala ko, at lubos akong nagpasalamat sa pamamagitan ng pagngiti sa sumisilip na araw. :")
Carpe diem!
Saturday, December 24, 2011
Tuesday, December 20, 2011
Banglog.
Sabi ng text mate ko sa umagang ito, bangag na daw ako.
Ilang minuto na rin ang lumipas mula nung sumapit ang alas dos ng umaga. Siguro nga. Siguro nga bangag na talaga ko.
Kaso may nagtutulak talaga sa kin na pumindot pa sa keyboard. Baka pagsisisihan ko pa kapag hindi ko pinagbigyan 'tong udyok na 'to.
Mali ako. Kailangan ko na talagang matulog. Kasi nung magsimula na kong 'magsulat', bina-backspace ko lang yung karamihan sa mga tinatayp ko. Meron akong gustong sabihin, ipahayag. Pero dahil wala na nga ko sa matinong estado ng pag-iisip (dulot ng disruption sa aking circadian rhythm, WAH), at nagkagulo-gulo na ang mga bagay-bagay sa aking utak, pulos latak na lang ang nae-encode ng mga daliring ito. Langong mga brain cells, kamown.
Pinasadahan ko yung nauna kong tinayp. Babae. Pabago-bago ng isip. Naalala ko yung isa kong blockmate. Noong magkasabay pa kaming umuwi, madalas, food trip muna bago sumakay sa tren. Madalas din na naba-babae kami sa pagpili ng kakainang food stall. Gusto ko ng waffle, kaso katapat nun yung siomai, tas may katabi pang noodle stall. Sa huli, sa classic kwek-kwek at mango jelly din kami nauwi. Halagang bente singko pesos, solb ka na.
Eto na naman tayo, self. Eto na naman ang nagkalat at tila mga kabuteng ideya na basta na lamang nagsulputan mula sa sulok-sulok ng iyong mahiwagang utak. Nariyan ka na nama't nakatitig sa monitor at sinisimot ang bawat salitang kaya pang abutin ng banidosong manunulat na nananahan sa iyong pagkatao.
Masyado pang maaga para mag-almusal. Pero mukhang ubos na yata ang banglog na hain ng papalapit na bukang-liwayway. Isang oras na lang bago magsimula ang misa para sa ika-anim na araw ng simbang gabi. Apat na araw mula sa opisyal na itinakdang araw ng paggunita sa pagsilang ng Tagapagligtas. At ilang sandali na lamang bago tuluyang maputol ang --
Ang bangag na blog. Bow.

Thursday, December 8, 2011
walang 'di maaantig.
Nagsimulang umingay sa entablado, putok ng baril,
sigaw ng isang lalaki, at maya-maya’y si Sisa na ang lumantad. Tuluyan na
siyang tinakasan ng bait, ngunit namumutawi pa rin sa kanyang mga labi ang
pangalan ng dalawa niyang minamahal na anak. Hindi na lubos na kinaya ng
kanyang damdamin ang kapighatiang nag-uumapaw sa kanyang dibdib, ang kahihiyan,
ang pagka-ulila. Samantala’y naulinigan siya ng anak na si Basilio, na dahil sa
tama ng baril sa binti’y paikad-ikad nang patakbong humabol sa kanyang tulirong
ina. Nang maabuta’y hindi pa siya agad na nakilala, paglao’y tila bumalik ang
matinong ulirat ni Sisa, at pinupos ng halik ang kanyang panganay, niyakap,
dinama ang pisngi nitong dinadaluyan ng maitim na luha dahil sa karungisan. Nakilala
niya si Basilio, at naparamdamn niya rito ang kanyang walang kapantay na
pagmamahal, bago siya tuluyang malagutan ng hininga. Balot ng pighati ang bawat
hagulgol at pagsamo ni Basilio, at lubos na nakakalungkot na hindi na niya
makakapiling pa nang buhay ang ina kahit pa isang dagat ang kanyang iluha.
- bahagi ng buod na nilikha ng inyong lingkod para sa reaction paper sa PI 100
sa produksyon ng Dulaang UP na Noli: The Opera
walang 'di maaantig. :'(
-HENO.
Subscribe to:
Comments (Atom)