KAMOTENG KAHOY.
hindi kasi ako komportableng magmura, o sabihin na nating hindi talaga ako nagmumura.. hanggang bwiset at tanga lang ang kaya ko. so, aun. bakit ko ba sinasabi toh? kamoteng kahoy.
minsan kapag super surprised ako, o yung tipong mapapasubsob sa biglaang pagpreno ng lrt (bwiset hindi man lang nagsasabi ung operator, sayang poise ko. hmp.), nadadagdagan pa ang expression ko na 'to: 'ay kamoteng kahoy na may asukal!' sa ngayon, yan pa lang naman ang pinakamahaba. antabayanan niyo na lang at baka masundan pa 'to..
MATH DIES Y SIETE.
huh? iniwan ko siyang nakabulagta sa mesa.. nakakakonsensya. alam kong siya'y umaasa pa.. ako? nalilito. nahihilo. hoi math17, asan ba ko sa'yo?
ayan. nakalagpas na ang mga kamay ng orasan sa alas onse y media.. marami pang dapat aralin. nakamamangha tong pangatlo kong kapatid.. lumalabas na ang pagiging artistic niya.. nakakainis tong blog ko, kung sansan napupunta.. isa lang ang ibig sabihen niyan, magulo ang utak ko.>.<>
No comments:
Post a Comment