Monday, July 20, 2009

warm up.

**
alas otso sa advance na orasan namin sa pader.. heto ako, imbis na nakapikit ang mga mata't humihilik na'y nakatutok pa sa monitor ng computer.. weekdays ngaun. schooldays.. at heto nga muli ako, akala mo walang pinagkakaabalahan at nagawa pang magblog.. well, mas mabuti na sigurong bigyan ko ng oras ang 'pagsulat' ko kaysa maoverload sa mga diwang nagtutulakan na sa utak ko, nagpupumilit na lumabas at matanto ng iba kung may pagkakataon man..

sayang.. masyado nang maraming nangyari mula noong opisyal na magsimula ang klase sa kolehiyo.. ilagay ko man dito, aabutin ako ng syam syam at malamang eh umiikot na ang paningin ko bukas ng umaga.
...

inaasahan ko na na magiging mahirap ang adjustment ng isang tulad ko sa bagong atmospera ng yupi. ibang iba nga ang mundo ko sa loob ng rizal kumpara sa maynila.. tahimik sa risay, umingay man ay dahil sa buwanang club activities at mga celebrasyong ginaganap don.. pero sa maynila, sa CR lang cguro tahimik -- hangga't hindi ka pa nagfflush..

july 20 ngaun.. makulimlim kaninang umaga. umulan pagkapananghali, hanggang hapon, hanggang sa umuwi ako sa tahimik naming bahay, nadatnan ang tatlo ko pang mas batang mga kapatid na abala sa paggawa ng mga takdang aralin.. samantalang tahimik na nagbabawi ng enerhiya ang aking ina sa taas, himbing mula sa pagkakatulog.. at si ama, na ilang sandali lamang mula nang dumating ako sa bahay ay nakauwi na rin, tangan pa rin ang kanyang matatag na anyo at ang pag-asang makakahanap din nang mas malalaki pang proyekto sa mga susunod na araw..
**
ayos. nasa kondisyon pa ang utak ko.
warm up. warm up.

No comments: