hay..
weird na kung weird. pero parang namatayan na rin ako ng kapamilya dahil wala na si motmot.
:(( hay..
***
december pa lang excited na ko na makita ang aso na ibibigay sa men ni tito monching. kaso nung mga panahong yon, bagong panganak pa lang ung mga tuta kaya hinayaan muna nila sa nanay nila. aun, malakas talaga ang paniniwala ko na dadalin din ni papa ung isa sa mga tuta dito sa bahay.. at magkaka-aso na ulit kame.. at sobrang saya ko pag nagkaganon.
february 19. nakamarka pa to sa kalendaryo namin. eto ang unang araw niya sa bahay. katulad na katulad siya ni chuy-chuy, ung nauna naming aso. kasi masungit sya, nakamukmok lng sa isang sulok. weird, pero parang alam ko ang nararamdaman niya noon. ikaw ba naman ang mahiwalay sa nakagisnan mong bahay at malayo sa pamilya mo dba. bsta. alam ko un.
nung tumagal tagal na siya, naku, aun, sooper likot! ang lambing lambing niya sa 'ming lahat, hindi rin siya palatahol.. tahimik at walang ibang ginawa kundi matulog, kumain, maglaro, magpupu, magwiwi, laro na naman. lab na lab siya ng papa ko kasi tuwing umuuwi si papa pag latenight na o pag madaling araw, pinapakain pan iya si motmot. at nilalaro pa niya kahit pagod na sya. minsan, naabutan ko pa siya dahil nagtatayp pako, naku, magkasing kulit sila, pinaakyat ba naman sa second floor! pero antapang niya nun, kasi mahirap kayang umakyat ng hagdan, matarik pa man din etong hagdan namin dito sa bahay... naakyat niya un ifairnesss..
lab din siya ni mama kasi laging mabango si motmot. at si mama nga pla ang nagpangalan sa kanya. kaya motmot kasi laging simot ang pagkain niya. :)
tapos. nitong third week ng march, nalaman ko na lang pag-uwi ko na may sakit pala sya. distemper daw. dala ng panahon. masyado na kasing mainet. kung dati-rati laging simot ang kakanan niya, nung magkasakit sya, halos di na sya kumain. pinapainom na lng namin xa ng gatorade o kya minsan tubig na may asukal, o kya gatas. sapilitan pa ung pagpapainom sa kanya kasi kahit ung jaw niya, wla na siyang lakas para ibukas pa. hindi na siya makatayo. siguro kung tatayo man siya iihi lng. wla nman siyang ipupupu dhil ndi nman xa kumakain.
ang pinaka ayokong nangyari sa kanya ay ung seizure niya. nung march 22, halos 10 minutes lng ang interval ng seizures niya. buong araw yon. ayoko syang makitang nagkakaganon kaso tuloy tuloy tlga. ewan ko pero parang me pasyente akong hindi pwedeng iwan kaya siya lang ang inaatupag ko buong araw. hindi ako makapagfocus sa iba pang dapat gawin. ang nasa isip ko lang, "bakit xa nangingisay? ano bang pde naming ipainom pa?" napunta na nga sa point na gusto kong maging vet para maiwasan ang ganitong cases sa mga tuta sa future.. hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa yan.
latenight ng march 22, hindi ko na kinaya. alam niyo naman ako, mababaw ang luha ko. sabi ko sa kanya habang nagseseizure siya, "motmot, tulog ka na lang, ok lng kahit wag ka nang gumising, para di ka na nahihirapan".. hindi ko talaga kaya pag ganon. sabi ko nga kay Lord, "mabuti na po siguro na kunin mo na sya, kasi nasasaktan lang po ako habang nakikita sya nahihirapan.." madrama na, oo, pero yan ako eh. lalo na pag naaalala ko ung mga mata niya, di ko ma-take. kung pwede nga lng sna injectionan na siya ng tranquilizer, pampatulog forever. kaso wla kami non... aun, hanggang sa matulog na lang ako kakaiyak..
pag-uwi ko ngaung gbi, sabi ni mama hindi na siya kumakain, ganon pa rin, sapilitang pagpapainom. pero tulog na siya maghapon. narelieve ako non kasi ndi na sya nangingisay.. nakakatakot kaya un. tapos, ma bandang 11:10, hbang ginagawa ko ung talumpati ko, narinig ko sya. parang sumisinok. un na pla ang paghihingalo niya. chineck ko ung heartbeat niya, mas mabagal dun sa usual since na nagkasakit siya. alam ko na ung susunod na mangyayari eh, kaso may part pa rin ng utak ko na naniniwala na mabubuhay pa nang matagal si motmot.
pero hindi na eh.
at least namatay siya nang peaceful.
habang natutulog siya.
sa ken, syempre, di ko talga kaya. di nga.
mahal ko talaga si motmot eh.
mahal na mahal, tulad nang kay chuy-chuy..
aun.
tulog na si motmot. tulad ng pinag-pray ko kay Lord.
di n sya mahihirapan.
thanks Lord..
No comments:
Post a Comment