Sunday, June 12, 2011

impulso.

6:46am dito sa orasan ko. dapat naka-upo na ko sa trono nang ganitong oras. dapat 8am nasa skwelahan na ko at nag-aasikaso sa form5 ko: PERO HINDE.

unang araw ng ikatlong taon ko sa kolehiyo. ambilis. pero kapag inaalala ko yung mga nakaraang taon, UGH. ansarap sa pakiramdam na nalagpasan mo lahat 'yon, kahit gano kahirap. ngayon, may mga bagong sabak na naman sa 'industriya' na 'to, isa na sa kanila ang kapatid ko, at sa totoo lang, nag-aalala ako para sa kanya (sana hindi niya mabasa 'to, 'di kasi ako talaga cheesy). pano kase, nung hayskul sya, nararating na niya ang skwelahan nang, ewan, minimum siguro 2 minutes, pag nagmamadali. ngayon, maximum of 2 hours, saka pa lang siya makakahinga mula sa polusyon, ingay, pagod sa byahe, etc. isipin niyo na lang kung gano kalaki yung diperensya. mula ngayong araw na 'to, 5 days a week niya tya-tyagain 'yon (sorry sa spelling nung tiyaga). kamote, kahit ako mahihirapan sa adjustment na gagawin niya. God bless you 'tol.

well. 7:02 na. LAGOT. ubos na ang kape ko. hindi ko pa nakakargahan ang sikmura ko ng matinong pagkain. tumingin ako sa labas, makulimlim at makuliglig. humuhuni na rin ang mga ibon, pati ang mga dumaraang sasakyan. Maynila. kahit gaano pa siya kaganda, kaunlad?, at kataas sa pananaw ng mga nasa pook-rural, 'di pa rin niya maitatago na malungkot siya.

naaamoy ko na ang piniritong tuyo mula sa katabi naming carinderia, pati yung sabon na gamit ng kararating ko lang na dormmate - nagjogging kasi siya.

basta na lang ako nagtayp ng kahit ano ngayon, tulad sa isang journal. at tulad din ng ibang entry ko dito (at sa iba ko pang blog siguro), walang malinaw na kinahihinantnan ang mga sulatin ko. walang malinaw, pero meron.