wala akong magawa. habang sinusubukan kong ibalik ang mga araw, napagttaanto kong naging isang makasariling nilalang ako. ni hindi ko na nga maalala ang huling tawanan at kwentuhan naming magkakapatid, o ang mahahabang comedy at pagdadrama namin ni mama. wala na akong mabatid kung kailan kami kumain nang sabay-sabay o nanuod man lang ng isang pirated version na pelikula. kailan nga ba ako huling bumanat ng joke o nagmistulang baliw sa kasasayaw kahit wala namang tugtog. kailan ba kami huling umawit ng isang kanta, kaalinsabay ng pagstrum ko sa aking gitara. kailan ba ako naglaan ng oras para tulungan ang aking mga kapatid sa mga gawain sa skwela? kailan ko nga ba huling naipaghain ng hapunan si papa? kailan. hindi ko na maalala.
wala akong maisagot kundi tulo ng mga luha. hindi ko dapat gawing liban ang pagiging abala ko sa paaralan, maging ang pagod na dulot ng aking paguuwian. ngunit, sa isang sulok ng aking isipan, bagamat hindi ko na maalala ang mga bagay na aking nakagawian, naalala ko naman ang mga pagkakataong ipinararamdam sa akin ng Diyos na Siya'y naririyan lamang. ang mga pagkakataong napapariwara ang aking mga gawi, pag-iisp at pananalita. ang mga panahong sa aking ulirat ay pagiging mapanghusga ang naghahari. ang mga sandaling sarili ko lamang ang aking nakikita. sa lahat ng aking mga pagkukulang. sa aking mga pagkakasala. hindi nawawala ang katotohanang ako'y patuloy na inaakay ng Diyos. tila isang batang itinatayo mula sa pagkakadapa. isang batang nahanap mula sa pagkakaligaw. isang batang kulob sa madilim na kwarto't sinilayan ng liwanag.
salamat. sapagkata nakikita ko ang mga ito. salamat po sa patuloy Ninyong pagpapa-alala sa akin na ako'y sa Inyo. hindi man ito maintindihan ng nakararami, naniniwala akong batid na batid mo po Lord ang nilalaman at inaasam ng aking puso. patuloy po kayong kumilos sa aming buhay, sa buhay na walang ibang katiyakan kundi ang inyong pag-ibig.
*hindi naman sa 'down' ako ngayon. may isang bagay lang nitong mga nagdaang araw ang hinahanap-hanap ko, ngunit hindi ko maarok (ugh) kung ano yon. anyway, anuman yun, Lord, Kayo na po ang bahalang magpuno. grabe. angsarap sa pakiramdam kapag nailalabas yung mga thoughts na tulad nito. narerevive ako. nakakagising. :)