...It was kind of like the Oblation statue times ten, minus the fig leaf, plus a few flabs, in real-time motion, with screaming girls and TV cameras all around. They were there, and then they had passed. And again for another lap, and then they were gone...
The Oblation Run, Zorro, and Me By AVERILL PIZARRO BA Philosophy University of the Philippines-Diliman published in Manila Bulletin Students & Campuses Schools, Colleges & Universities Friday, December 18, 2009
***
"panahon ng pagbabago sa pagbabago ng panahon." ito ang mga salitang nakalimbag sa isang plakard na binabandera ng isa sa mga nagsitakbuhan noong oblation run sa diliman. sayang lang, taga UP-manila kasi ako at noong mga oras na ginaganap ang oblation run dun eh nanonood naman kami ng human origins sa scosci1 class namin. echos lang, tinigil ang film at binuksan ng isa sa sa mga kaklase ko ang pinto nang mavibes nila ang pagdating ng mga nagtatakbuhang hubo sa hallway ng 2ndflr ng rizal hall. dumaan sila, walang saplot, at maya-maya'y biglang may isa o dalawa sa kanila ang pumasok pa sa room namin para mag "hi" na para bang si jollibee lang na nage-entertain ng mga bata sa isang children's party.. dalawang beses akong napa-'sh*t' dahil sa shock. pinagsisisihan ko naman na nagmura ako non. pagkatapos non, sinara na namin ang pinto at nanood na kami ulit ng human origins. :P
birthday ni dek at ni nanay lola. nabati ko si dek, umaga pa lang. hindi ko nabati si nanay. :(( sad. haaaaay.
birthday nina dek at nanay lola. december10, 2009. uwian na. nakasakay ako non sa jeep papuntang recto, nakalagpas na kami sa may city hall. bantrapik. nakatitig na lang ako sa drayber na napakakulit, kala mo pumaparking lang sa isang lote.. sasabihin ko sana, "manong, hindi po kami nagbabayad para magpark lang kayo dito". naghihintay kasi siya ng iba pang pasahero. kung anuano na tuloy ang mga 'linyang'naiisip kong sabihn kay manong drayber ng dyip. antagal na nga sa trapik, antagal pa sa paghihintay ng pasahero. kamote naman o. wala din namang sumakay noong tagal naming naghintay sa tapat ng sculpture ng kkk malapit sa sm manila. kamoteng kahoy. mabuti na lang namanage ko kahit pano ang pasensya ko. hanggang thoughts lang ang aking impatience.
carriedo. anu pa abng aasahan mo?? kamote din. buti na lang talaga cool lang ako nung mga oras na un. nakuha ko pang kunan ang magulong mundo sa carriedo gamit ang phone ko. habang naghahanap ako ng magandang piktyuran, napansin kong isa-isa nang napapatingala ang mga tao. syempre hindi ko nakikita kung anuman ung tinatanaw nila sa taas. gumana na naman ang mapanghusga kong isipan. naroong naisip ko na may gimik ang isang pulitiko at may helicopter effect sa ere. pero imposible naman un dahil kahit na mejo maingay noon, maririnig ko pa rin naman siguro kung may dadaan mang helicopter. nagfail ang una kong hypothesis. tsktsk. pangalawang panghuhusga. baka may nagtatangkang magsuicide. kaso imposible pa rin. kung magkaganun man, siguro magsisigawan na ung mga tao. maya-maya nga may mga nagtatakbuhan na. mayamaya rin narinig ko ang isang by stander sa kalye. 'sunog'. 'usok'. wala talaga kong nakikita mula sa kinauupuan ko non sa dyip. mayamaya ulit humarurot na ang trak ng bumbero. ang ingay ng sirena nila. kamote.natatakot na ko nun. lalong bumigat ang trapik. hindi na kami gumagalaw, i mean, ung dyip, hindi na gumagalaw.. malapit na pala sa odeon mall, kung saan ako bumababa. pagbaba ko hinanap ko agad kung anuman ung tinatanaw ng mga tao. shemaygulay. anlaki at ang itim nung usok. sabi ko tuloy,'Lord help us'. may isang babaeng nakapurple akong nakasabay sa pagbaba sa dyip. nagkasundo kami na lumayo muna sa lugar na may sunog. tabi ata un ng lrt recto station. nalaman ko na sasakay din pala sana siya ng lrt pasantolan. pero since may sunog nga, hindi na kami tumuloy pa sa station. kamote. ako naman mejo tuliro pa. 'sasama ba ko sa babaeng to?' tas maya maya nabanggit niya na noon lang pala sya ulit pumunta sa maynila. sabi ko naman sa maynila naman po ako nagaaral. tinanong niya kung san. sa yupi manila po. ah tlga.. grumaduate ako sa diliman.. kinuha ko lang ung clearance ko jan sa nbi. naghinala pa rin ako. naku, baka ginogoyo ako nito, ibugaw ako. lokolokong isipan. napakasamang panghuhusga. syempre sa panahon ngayon kelangan na rin maging cautious.
napagdesisyunan naming lakarin ang papunta sa carriedo station. odiba, sumama pa rin ako sa kanya kahit na may doubt ako, nica talga o. isasabay na daw niya ko paguwi. taga masinag kasi siya at sa robinsons east niya pinark ang kotse niya. ngayon, dahil rush hour at trapik.. maraming tao sa lrt.. trapik at mabagal naman ang mga bus. kaya sabi niya, dadaan kami sa mapua para makisabay sa kaibigan niya don - and dean ng graduate studies ng mapua: Jonathan Salvacion daw. siya nga pala si Cathy Soliman. wala na kong nagawa. pero nasabi ko na rin naman kina papa ung tungkol sa sitwasyon ko. sabi ko gagabihin ako. ok ingat. kamote, sumakay kami sa carriedo station at bumaba sa central terminal. habang binabaybay nmin ang daan papunta sa mapua, may mga nakasalubong kaming tumawag kay mam cathy na "mam!". kamote. totoo nga. hindi ko pa pala nabanggit na sinabi na rin niya sa kin na naging dean na siya sa mapua sa industrial eng. IE din ang tinapos niya sa yupi diliman. nagturo din siya don ng halos sampung taon din daw. kamote. naghalohalo na ang emosyon sa ken. takot. alala. overwhelmed. chuva. hanggang ngayong sinusulat ko 'to ramdam ko pa rin.sa lahat ba naman ng makaksaby sa isang 'adventure' eh isang bigtime up alumni pa. kamote. nung dumating nga kami sa mapua (nga pala, bangganda sa mapua, anlayo ng hitsura sa yupi manila.. tiles. kahit maliit, maganda pa rin) dumiretso kami sa graduate studies office. dean nga don ung friend niya na isang up alumni din. chem eng naman. si sir salvacion nga. sa kanya daw kami sasabay pag uwi. nga pala, eto ang una kong pagkakataon na pumunta sa mapua. kamote. nagpalamig kami sandali, inom tubig, interview.. ah sa yupi manila po ako nag-aaral, biology po.. first year pa lang po ako.. and chuva and chever. mga 6:30 na rin non nung umalis kami sa mapua. marami pang studyante. daming boys. daming papa. LOL. =D
kotse mehn. sa makati kami dumaan. at sa byahe, andami kong nalaman hindi lang tungkol sa yupi, kundi tungkol sa mga buhay ng mga alumni ng paaralang pinapasukan ko ngayon. sa buhay nila in particular. pero hindi ko na isasama pa kung ano ang mga yon sa journal entry na 'to. ang hindi ko lang makakalimutan eh nung dumadaan kami sa c5, nakita ni sir salvacion ang isang billboard ng bench.. hindi niya makilala (pati ni mam cathy) kung sino ung babae na nakapose suot lang ang kanyang pink at white underwear. kilala mo ba yan, nica? (nica nga pala ang pagpapakilala ko sa kanila, mas komportable akong tinatawag ako ng mga mas matanda sa kin sa ganong panglan eh.) nakilala ko ung nasa billboard. si katrina halili. sabi tuloy ni sir, 'ah talaga, yan pala si katrina ah. beautiful. simula ngayon, kay katrina halili na ko.' si marianne rivera daw kasi ang dati nyang crush. :D hinatid muna niya ang pamangkin niya sa yupi diliman bago kami dumiretso sa robinsons, kung san naghiwa-hiwalay na kami landas.
'salamat po talaga, sir, mam.'
'minsan pag bibista ka sa mapua sabihin mo lang sa guard jonathan salvacion ha.' --sir salvacion. xD
'ui pasensya na kung hindi ka namin mabibigyan ng calling card ah' --mam cathy.
'at least alam niyang taga yupi din tayo' --sir salvacion.
'aral mabuti, ok lang maging workaholic habang bata. sulitin mo ang kabataan mo, nica.' --sir salvacion.
'opo'
haaai. hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang napasok ako sa mga sitwasyong yan. what a day. :|