umaga na.
linggo na. bukas, lunes na. eh ano ngayon?
...
eh di october4.
ito ang tinatawag na stress. alas sais ako nagising at bumangon kanina.. natatakot kasi ako sa bagyo. chinek ko yung tuta naming si Ccino.. bka nabasa na sya sa labas.. buti hindi, anggnda pa ng posisyon niya sa pagtulog.. parang tao lng.. lying on his back. imaginenin mo. ankyut dba? yan ang magandang pambungad sa umaga, kahit hindi mukhang umaga ang umaga, si Pepeng kasi, killjoy.. wala tuloy araw.. andulldull.. parang si ondoy.. atleast umeksit na siya.. kaso daming iniwang atraso.. teka, siya nga ba ang may atraso? o tayo? sino nga ba? tayo nga ba? sino pa bang iba? meron pa bang iba? wala na. tayo nga.. tayo naman talaga.
akala ko maybalita kaninang umaga.. nagtataka ako dahil matagal din akong nakatulala sa TV pero pulos anime ang palabas.. eh kay-aga pa non.. alas siete y media ko na nalaman na wala palang balita.. ilang oras din akong nag-isip isip sa mga gawain ko sa araw na ito.. alas otso na nang kumilos ako.. sinaksak ko yung extension.. binuhay ang computer.. binuksan ang mga dokumento.. nag-isip. naghanap. nagtayp. nagbasa.. multi tasking.. kasi habang nasa pc, kumakain na din ako ng agahan.. na niluto ni mama.. na natulog ulit after niya magluto..
maghapon akong nakaharap sa monitor.. marami ehh. marami ring mga bagay ang inayos.. inalala.. tulad ni mama.. nagulat ako naglaba sya.. gayong may bagyo.. pero mabuti na rin yon hindi siya gano mahihirapan sa mga susunod na araw.. pag tumambak ang mga damit.. ayy. parang ayaw ko nang pumasok.. nakakapagod maglaba.. pero every other day niya yung ginagawa.. at hindi lang yon ang ginagawa niya.
merienda.. minatamis na kamote. paborito ng mga tao sa bahay na to.. mga taong matakaw.. pero ndi naman nagsisitabaan.. ang katawan.. pero ang puso, sadyang mataba.. mataba ang puso ng mga taong nagbuwis ng buhay. tumulong. nakidalamhati. nanalangin. sa mga naging biktima ng kalamidad.. walang wala.. isipin mo 'yon, mawala sa iyo ang lahat.. tila nakakabaliw.. pero sa nakikita natin sa mga larawang hatid ng media, ngiti. tawa. pagbangon. tila nakamamangha.. nakamamanghang lalo kung saan o kanino sila humuhugot ng pag-asa..
walang pormal na hapunan.. busog kasi kami dahil sa merienda.. naubos na ang minatamis na kamote.. sinundan pa ng noodles.. nagluto ng adobbong mani paglubog ng araw.. ngumata ng mani.. ngumata ng oras.. ng masayang mga oras.. kahit na maghapon ako rito sa harapan ng monitor at gumagawa ng gawaing pampaaralan, kahit na tila isolated ang aking atensyon at ulirat mula sa kapaligiran ng bahay na ito, mayroon naman akong mga tainga na bagamat kung minsan ay nabibingi ay malinaw pa ring nakakarinig sa salitaan at tawanan at biruang nagaganap..
anupa't masasabi ko na ang araw na ito, sa kabila ng pagkakaroon ko ng panandaliang sariling mundo, ay isang payak at maligayang araw.. araw. sana'y magpakita nang muli ang araw mamaya..
stress nga.
tsk. stress lang yan.