Thursday, August 20, 2009

ako vs ako.

ilang beses ko nang naranasan na masaktan dahil sa sarili kong pride.

kanina, habang traffic palabas ng junction mula sa may gawing makro, may batang pumasok sa jeep at inisa-isang dinaanan ng kaunting punas ang mga sapatos ng mga pasahero, kasama na ang sa 'ken.. yon ang paraan niya para makahingi ng limos o barya mula sa mga tao.. tinitingnan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa dulo ng jeep malapit sa drayber.. saka dahan-dahang nagbakasali ang bata sa mga mga may mabuting loob na maglilimos sa kanya nang papalabas na siya sa jeep.. naisip ko na ibigay na lang ang skyflakes at presto cream na hindi ko rin naman nakain kanina sa paaralan, pero sa isang sulok ng utak na toh, naalala ko ang isang verse mula sa Bible na may ganitong thought, "ang paggawa ng kabutihan ay hindi na kailangan pang ipanganlandakan sa iba, at hangga't maari ay wala sanang makakasaksi sa iyong mabuting hangarin". ayan. hindi ko na maalala kung anong verse..

balik tayo sa bata. . at aun na nga, nang palabas na siya sa jeep, isa ako sa mga huling marahan niyang kinalabit sa kamay.. wala akong tanging reaksyon kundi isang malungkot na mukha at pag-iling, nagpapahiwatig na wala rin akong maibibigay sa kanya.. anong klaseng pag-iral toh?! sobra sobra ang pagsisising naramdaman ko matapos ang pangyayaring yon.. hindi ko maipaliwanag pero parang naipit ako sa sitwasyon.. marahil ay tahimik ako nang mga oras na yon, pero sa loob-loob ko eh inaaway ko na ang sarili ko.. pinapagalitan.. sinisigawan.. halohalong emosyon ang pumuno sa ken. kalungkutan, galit, pagsisisi, awa.. hanggang sa mga oras na to.

wala na akong nagawa.. naging bitter lang ako sa sarili kong kahunghungan. pero pinagpapasalamat ko pa rin na napasok ako sa ganoong pangyayari.. isang 'test' yon. isang one-item test. at mali ako.. pero ngayon, alam ko na ang tamang sagot: mula sa ikalawang libro ng Thessalonians, chapter 3 verse 13... NEVER TIRE OF DOING WHAT IS RIGHT.. at sa personal kong pananaw at pagkatuto, hangga't parehong mabuti ang intensyon at pinaplanong aksyon/desisyon, wag kang maghesitate na gawin/sabihin yon.. anumang sabihin o ihusga sa'yo ng mundo.

now playing: one step at a time (j.sparks).. narinig ko kasi ung line, "we live and we learn."

Wednesday, August 12, 2009

magulo...

..ang mundo sa mga mata ko.

ay isang batang nakatunghay sa kawalan hawak ang mga baryang pantawid gutom.
ay isang matandang nakahimlay at makina na lamang ang sa kanya'y bumubuhay.
ay isang inang kahit pagod na sa mga gawain sa umaga ay nagawa pang maglaba sa gabi.
ay isang pinagsawaang zagu na bagamat di pa ubos ay naitapon na.
ay isang pares ng mga binti na wala sa bokabularyo ang pahinga.
ay isang barker na pilit pang pinagkakasya ang apat na tao sa jip na bente lang ang kasya.
ay isang kaibigan na palaging maasahan sa tawanan.
ay isang dalaga na matapos lumuha sa pakikipagbreak ay nagawa pang humalakhak pagkatapos.
ay isang mapanghusgang isipan.
ay isang paraiso sa ilan -- pagkat nakalimot sa katotohanan.
ay isang blog na tulad nito, magulo, may patutunguhan ba, depende sa pagkakaintindi mo.

eto ba ang mundong nakikita mo?

Saturday, August 8, 2009

tsk.

watdafat.

hindi ko inaasahan na mapupunta sa isang engkwentro ang dapat sana eh pagkakapatiran ng dalawang block ng bio sa isang meeting nung biyernes.. sa pagkakaintindi ko, hindi naging malinaw ang mga bagay bagay sa parehong panig kaya nagkaron ng palitan ng maiinit at 'mean' na mga salita sa pagitan ng mga freshie ng bawat block. kaya imbis na magkasundo eh hidwaan pa ang nabuo nang matapos ng di pormal ang nasabing pagpupulong..

ayoko nang i-elaborate pa ang mga detalye.. sana lang ay hindi na lumaki pa ang ganitong hindi pagkakaintindihan.. hindi naman po masamang magbaba ng pride at amining may pagkukulang at nagawang kamalian ang bawat isa.. at mas masaya ang college life pag me harmony ang mga studyante.. oo, pede nating iconsider na 'twist' at 'pampakulay' ang ganitong mga pangyayari sa buhay kolehiyo, syempre hindi tayo papayag na malamangan o maungusan tayo ng kalaban naten, pero ano bang napapala naten? nagpapalaki lang tayo ng pride.. habang lumalaki ang pride, mas mahirap na 'yong ibaba dahil masyado nang mabigat.. mas masakit na 'yun igive up..

kung akala natin na malaki ang mawawala sa tin sa oras na magpakumbaba tayo, hinde, magge-gain pa nga tayo actually.. parang 'excess fat' lang yan sa katawan, magaan sa pakiramdam pag na-burn.. saka papayag ba tayong tubuan ng wrinkles at malustay ang ating ever precious beauty? nakakastress ang away mga tsong.. di nga. once we give up our pride, mas madali na sa tin ang magpatawad at humingi ng apology.. at i-confess at tumanggap sa sarili na rin nating mga pagkakamali.. at dahil mga studyante tayo ng UP, malamang eh hindi tayo magsasawang matuto.. lalo na kung mali tayo..

sino bang hindi magsi-seek ng tamang sagot sa isang tanong na mali ang sagot niya nung una?
sino bang hindi mag-uulit ng computation sa isang math problem once marealize niya na siya lang ang may naiibang sagot among his/her classmates?

ano, handa ba tayong humanap sa tamang sagot? ;) cheerio guys!
wecandothis!