Monday, October 27, 2008

kasi nga ganto yon.

lugmok ka.
parang siraulong di mawari kung anong gustong gawin.
isip nang isip pero hanggang isip lang.
kilos? gustong kumilos pero hindi pa kaya...
sumbat? walang kang karapatan pero sya rin naman.
luha. ayaw tumigil kahit ayaw mo na.
luha. dumadaloy sa tuwing naawa.
isip. makasalanan. di maiwasan. gustong pigilan.

lumabas ka.
humarap sa kanilang may suot na maskara.
ngiting nanlilinlang. tawang pilit.
hindi mahirap.
malay ba nilang ganon.
sa sarili nga lang ay tila sisa.
umaarte sa entablado manunuod ay ikaw din.
hindi nababaliw. hindi maintindihan.
umulan.
bukas kaya ano naman?

kutamaya.


inuulan ako ng palaso.
sinalag ko gamit ang mga kamay ko para 'di matamaan ang aking ulo.
dumaloy ang dugo, sa aking noo, pababa sa pisngi, sa leeg. ang dugo ng aking mga kaawa-awang kamay.
masakit. mahapdi. ngunit tiniis ko.
tiniis ko hanggang sa humupa ang pagsugod ng mga palaso.
nanghihina, yaong mga kamay na kusang nalupaypay.
lumuhod ako at gulat sa tumambad sa akin.

hinihintay lamang pala ako ng kutamayang marahil ay nananahimik
ngunit siyang sumusumbat sa 'king kahangalan.

pagkat kanina lang ako'y nagtatapang-tapangan.
hinarap ang kalaban ng mag-isa't walang alinlangan.

kaya heto, kamay ko, panu pa bubuhat.
sa kutamayang siyang napakabigat.

mabigat kung tutuusi'y ang dulot naman.
ay proteksyon, kaligtasan, kapayapaan ng isipan.
_________________________________________________________________
tsk., emo naman netoh.,

Sunday, October 19, 2008

umupo muli sa trono ang AGHAMANON.

matapos ang apat na taon...

isang lamat na naman sa kasaysayan ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Rizal ang pagkorona sa AGHAMANON bilang overall champ sa Division Secondary Schools Press Conference na ginanap sa Cainta Elementary School nitong Oktubre 17-19 2008.,

nakakaloka aba!
nakakakaba!
grrrr.,

dalawang linggo din naming tiniis na huwag munang sumulyap sa mga kwaderno namen sa bawat asignatura... at ibigay ang lahat ng oras at panahon sa paghahasa sa 'ming kakayahan sa iba't ibang larangan ng malayang pamamahayag.,
kamote.,
pati ako dinudugo sa blog na 'toh.,

hayun.,
sulit na sulit naman ang lahat ng paghihirap.,
kahit na...
-madami kaming namiss na lesson.,
-namiss na quiz at unit test.,
-namiss na highlights sa bawat araw sa kalsrum.,
-namiss na bonding kasama ang klasmeyts.,
-hindi makagawa ng requirements.,
-hindi nakapagpapirma ng clearance.,
-hindi agad makakapag-exam.,
-hahabol.,
-tatakbo.,
-maglalakad.,
-gagapang.,
-maghihingalo.,
-mamatay(?)... jok lng.,

haha.,
iba talaga.,
kapag naghirap ka at nagpakatutok.,
kapag minahal mo ang...
-mga kamay mo
-ang utak mo
-ang mata mo
-ang lapis o bolpen
-ang scratch o papel
-ang tissue na may sipon
-ang kapwa agha na sinisipon
-ang nanay ng aghamanon
-ang daddy ng aghamanon (tnx nga pla sa doughnut at polboron)
-ang aghamanon choral
-ang original catdog
-ang muntinlupa boys
-ang bawat araw ng...
-tawanan
-kabahan
-katatakutan
-bondingan
-kantahan
-iyakan
-talunan
-kaibiganan (haha)
-lapangan ng baon
-kainan sa platong may plastik
-hugasan... ng ppplato at kkkutsara at ttttinidor
-hilikan
-batuhan ng unan
-ang DSPC
-ang miracle na lahat ng 'to eh nangyare..

iba talaga.,
pag...
-nagtiis
-naghirap
-nagpasensya
-umunawa
-nag-asam kahet pano
-NAGDASAL...

kasi...
-sulit na sulit
-bawing bawi
-solve na solve...

kaya.,
salamat talaga kay LORD -tanging naging lakas ng agha sa lahat ng pinagdaanan at pagdaraanan pa.,
para sa Kanya ang lahat ng nakamit namen...
isang honor na para sa 'men na papurihan si Lord sa pamamagitan ng pagsali namen sa DSPC.,

wala kong masabi.
kung gano ako ka thankful.

basta...
MANIWALA LANG TAYO.
AT ANG PAGTITIWALA AY HINDI BASTA PAGTITIWALA LANG.
SIKAP. HIRAP. DASAL.

ang agha.
isang bakat sa kasaysayan ng Risci.