Saturday, December 13, 2008

December 13, 2008... - history na naman oh..

(intro ng rebirthing by skillet)
un oh..totoo tlga..
BATCH 8 dominates..
bket?
dahel nanguna sa 'ten si LORD..

yess..
ansaya..
masaya talaga..
nakakatawa...
nakakatuwa..
hindi makakalimutan...
NAKAKA BLESS..

una., dahil naging successful ang family day.,though hindi lahat sa 'ten eh kumpleto ang pamilya o walang kasama, riscians, particularly batch8, already felt the essence of family with each other'spresence..

haiy., with the usual..
-kainan
-sariling version ng mga laro
-videoke na me takip ang kalahati ng monitor dahil sa mga video na PG13..
-room hopping para manginain!

-kanya-kanyang diskarte sa paglalaro ng binggo..
--may nakastaple sa folder
--pabigat na bato o kung ano
--at martir na hawak lang sa kamay ang 5 o higit pang set ng binggo cards..

-may..
--nakaupo sa pasimano ng koridor (sori, di ko alam ung ibang term sa pasimano)
--naglabas ng armchair (at di naibalik pagkatapos, salamat sa mabuting-loob na nagkusang inayos yon, sori na din :] )
--at ang mga maiingay na nasa bleachers na di nagpatinag sa ambon
--sa mga nasa lobby (boysdorm) na kala mo eh fiesta dahil pati pagkain ay nakabalandra

-sa..
--maingay, nakakatawa kahit nakakainis na gwapong-gwapong emcee ng binggo
--mga nanalo ng electric fan at nakabawi sa pinambayad sa binggo card
--mga naglaro ng binggo pero di nakabayad :]
--mga nabuko sa harap mismo ng magulang mo (ako yon, walanjo tlga si sir M oh, tsk)..
at napakarami pa ..

haiy.,wala, kahet parang kahapon lang yon, ansarap balik-balikan..
pano pa kaya yung mga naunang nangyari... db?? :]

at un nga..xmpre, ang pinakahighlight ng december 13..
ang BATTLE OF THE BANDS..
(intro ulet ng rebirthing)
wah...

eh di yon, xmpre, tapos na ang binggo chuva..
at naghanda na kame para sa battle.. (yess, parang giyera lng oh., go sir vocs., haha., jowk) :D

ayan., bihis-bihis.,
tapos.. nakakabless tlga.,
ang devotion ng lahat ng banda ng fourth year bago sila tumugtog ang isa sa mga patunay na kumikilos ang Panginoon, at kitang-kita at damang-dama naten yon sa batch naten..
yun yon eh oh..

hmm.. ang mga tao sa likod nito..


ang mga banda..
at members nila..
:] (superconversational ang part na to kaya pag binasa niyo, naka-adress tlga xa s mismong taong dinedescribe ko ., haha)

IKEBANDA/ KUNGFU BANDA
sa pagkakaalala ko..

si FLOR.. haha, inuna tlga si plor noh., nakagreen kasi xa eh., rhythm
si DEK.. grimace! grapes! tsk., purple na purple aba., lead guitarist
si PJ.. kahet kelan mataba tlga xa., hihi.. drums
si CATHY.. waw, yellow., hmm., retro girl itech., basist
si JUBS.. red-hot., mukhang maangahang sa suot niya., kulang na lang mag-antenna xa ng isang branch sa ulo para magmukha xang siling labuyo., wahhhhh., jubs!!! pis tayo., eto ang vocalist na todo poise ever., :D

hayan ang kungfu banda.,
suot ang kanilang venetian shades at ang mala Power Rangers o Zaido nilang outfit.,
tumugtog ng Material Girl at Me and Jesus..

ADLAI
nako., ang Charlie's angels..
haha.,
anggnda ng kulay nio..

LEVIN.. gwapo tlga., lead guitarist
PEARL.. puro puti cguro damet nung buhay ka pa., jowk! haha., rhythm
JANINE.. un oh., akala ko itutuloy mo yung balak mo na magsayaw ng revolution bago ka tumugtog., keyboards
APRIL.. wah, the drummer.,
KRISTEL.. naalala ko lang nung nagjowk si henry, ung gift mo daw para knya, incentives from disbursing office., haha., basist
YANYAN.. si henry na naman naalala ko., nung ginagaya niya si yan., vocals

ang adlai..
all white, kulang na lang magkapakpak sila., :D
tumugtog ng When you're gone at Never Alone.,

JAMES' BAND
eto ang bandang matindi ang stage presence.,

ROMANO.. naka brown polo, floral orange shorts., at brown na chucks., hindi lang nman mxadong tropical ang kulay mo noh., drums
OREN.. tsk., hindi ko na kita ung gitara habang tumutugtog ka., natatakpan mo kc eh., :D rhythm
PEPE.. bagay na bagay daw sa'yo ang base., stomach out k dw kc., basist
TRING.. secret weapon k tlga kahet saan., :D keyboard/2ndvocals
KEILAH.. la q msabi sa byuti mo., lalo na sa tinig aba., keyborad/vocals
YVEZ.. nako., nagputi ka pa kasi.. lead guitarist
GREGOR.. pinaka malakas ang stage presence mo greg., la n q msabi pag naalala kta kumanta., vocals

ang james band.,
pito sila noh? at pumangatlo...
tumugtog ng What i've done at My Immortal..

DOSENA/ DEE'S BAND
wah.,
malupet mga musikero nito.,
tsk.,soundcheck!
ROMAN.. kaasar, bat anggaleng mong bahista?
RAMON.. isa ka pa., nako., drums
MARI.. aun oh, cowboy., lead guitarist
LESTER.. bat ka dw laging nakatalikod? rhythm
DENISE & GAMBOL.. yvez and mary., haha., vocals.,

ang dee's band.,
sila ang tumugtog bago kame kaya di ko sila napanuod.,
King of Wishful Thinking at Time In..

WAYANG KULEET
hihi.,
todo jumping jack tlga kme bago lumabas sa stage.,
dapat nga pati entrada namen pa-jumping jack dn eh.,
^^

BEAM.. ang bata nameng cute, with her shorts, pigtail, at suspender! basist
JUYJOY.. hainaku., ikaw ang pinakapretty na palaboy., hmp., ^^ keyboard
EUNICE (panget).. ang great wall suot ang kanyang great white coat.. drums
HENO.. macho ko db? tenk u, tenk u., haha., rhythm/2ndvocals
BEABEE.. ang bubuyog na kulay ube-cheese at baliktad na pakpak ng pink na butterfly.. lead guitarist/vocals
DOMS.. rockstar! haha., we labyu doms! gwapo mo! vocals/rhythm

kame.. ulet, ang wayang kuleet..
walang bawas, may dinagdag..
tumugtog ng medley ng Home at Mahal pa rin (pauso kame noh..) at Lead me to the cross..

NAGARAYA
eto na..
ang tanging bandang hindi pure senior..
pero malupet! ^^

ROSE ANN.. wah, nung tinapatan ka ng spotlight parang nkita ko si avril.. hmm.. la lng., basist
JEC.. kahet kelan mapayat ka pa ren.. (parang kay pj lng eh)., haha., cute ni jec., rhythm
EUNICE(ganda).. she 'bangs'., ^^ keyboard
NIKKI.. lupet ng lead mo nikki! :D lead guitarist.,
JAI.. wahaha., go jai! dapat nag-singing idol ka ren! ang dimples, tsk., basist/vocals
TONYANG.. un oh, kahet kelan dumadagundong ang 'sky'.. drums
DENISE.. saludo ko sa'yo., kahet hikain ka., ^^ vocals

ang nagaraya..
pumangalawa..
tumugtog ng I'll be there at My Heart..

SISTERHOOD
ang sister band nga raw ng James band..
at ang pinakagirly sa lahat.. ^^

ABI.. yee.. so pretee.. basist
ALYSSA.. ocgeh cgeh., cute ka na nga.. lead guitarist/2ndvocals
GE-AN.. silent drummer.. (may ganun?!) drums
MILES.. ever supported.. ng family at ng... ^^ rhythm
JELLY.. wowlegs aba., ^^ vocals

last but not the least..
ang sisterhood band.. na ever highlighted at so long ng hair..
tumugtog ng That's what you get at Kiss me..

ang banda.. yan na.. ok b??
^^

at xmpre.,
dpat i-acknowledge naten ang ating mga emcee..
ever okrayers.. HENRY AT JESSA.,
haha.,
panalo mga stand up comedian na mga toh.,
hindi talaga tayo tatanda sa katatawa.,
good job!


isa pa..
sina sir odel at ang bumubuo ng mapeh club..
xmpre kung alang mapeh club eh di wla tong pagkahaba-habang blog na toh..
^^ db?!
anggaleng tlga ng Lord..
Siya ang pinakamalaking factor ng mga banda ng fourth year sa mga naging performances nila..
dahil Siya ang pinanggalingan ng lahat ng mga talento na kahet hindi lang tuwing battle of the bands naten ginagamet..
naipakita naten na Siya ang magaling, at hindi tayo..
na Siya ang pinapupurihan, at hindi sarili o sinuman..
na Siya ang dahilan, at hindi pera, hindi kasikatan, hindi paghanga mula sa iba..
na Siya ang dapat mapangiti ng lubos...

at naniniwala akong nagawa naten yon.. :]
haha. minsan n nga lng magdrama ;)

Friday, November 21, 2008

dekada existencia..

ayown.

10 years na ang Rizal National Science High School (we adore, we adore)..
haha.,

antabayanan ang mga darating na updates..

Wednesday, November 5, 2008

luha

maalat-alat na likidong umaagos mula sa mga ugat ng mata at dadaloy sa pisngi, at kung hindi hawiin ng kamay o panyo, ay bababa sa leeg o sa may tenga, saka matutuyo..


ani ng iba, ang luha ay hindi dadaloy kung wala namang dahilan.,

totoo yan.
kahit mga aktor sa telebisyon ay humuhugot sa kung saan ng dahilang kukurot sa kanilang mga damdamin, bagamat lingid sa iba, at magpapa-iyak sa kanila..


ang luha nga ba ay simbolo ng kahinaan?

yan ang kabulaanan.
ang luha ay simbolo ng pag-ibig., pag-ibig na nagpapasensya, na umuunawa, na nagtitiis, na umaasa..


luha. produkto ng isang damdaming maaring sa pagnguyngoy sa isang tabi na lamang nailalabas ang lahat ng dinaramdam.,


ako.
ay tao.
pagkat ako'y lumuluha.

ano nga bang matatawag sa isang nilalang na ni minsan ay di nakitang luhaan?
ndi siya tao kung gayon.


alam mo,
minsan,
mas masarap MUNANG lumuha.

Monday, October 27, 2008

kasi nga ganto yon.

lugmok ka.
parang siraulong di mawari kung anong gustong gawin.
isip nang isip pero hanggang isip lang.
kilos? gustong kumilos pero hindi pa kaya...
sumbat? walang kang karapatan pero sya rin naman.
luha. ayaw tumigil kahit ayaw mo na.
luha. dumadaloy sa tuwing naawa.
isip. makasalanan. di maiwasan. gustong pigilan.

lumabas ka.
humarap sa kanilang may suot na maskara.
ngiting nanlilinlang. tawang pilit.
hindi mahirap.
malay ba nilang ganon.
sa sarili nga lang ay tila sisa.
umaarte sa entablado manunuod ay ikaw din.
hindi nababaliw. hindi maintindihan.
umulan.
bukas kaya ano naman?

kutamaya.


inuulan ako ng palaso.
sinalag ko gamit ang mga kamay ko para 'di matamaan ang aking ulo.
dumaloy ang dugo, sa aking noo, pababa sa pisngi, sa leeg. ang dugo ng aking mga kaawa-awang kamay.
masakit. mahapdi. ngunit tiniis ko.
tiniis ko hanggang sa humupa ang pagsugod ng mga palaso.
nanghihina, yaong mga kamay na kusang nalupaypay.
lumuhod ako at gulat sa tumambad sa akin.

hinihintay lamang pala ako ng kutamayang marahil ay nananahimik
ngunit siyang sumusumbat sa 'king kahangalan.

pagkat kanina lang ako'y nagtatapang-tapangan.
hinarap ang kalaban ng mag-isa't walang alinlangan.

kaya heto, kamay ko, panu pa bubuhat.
sa kutamayang siyang napakabigat.

mabigat kung tutuusi'y ang dulot naman.
ay proteksyon, kaligtasan, kapayapaan ng isipan.
_________________________________________________________________
tsk., emo naman netoh.,

Sunday, October 19, 2008

umupo muli sa trono ang AGHAMANON.

matapos ang apat na taon...

isang lamat na naman sa kasaysayan ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Rizal ang pagkorona sa AGHAMANON bilang overall champ sa Division Secondary Schools Press Conference na ginanap sa Cainta Elementary School nitong Oktubre 17-19 2008.,

nakakaloka aba!
nakakakaba!
grrrr.,

dalawang linggo din naming tiniis na huwag munang sumulyap sa mga kwaderno namen sa bawat asignatura... at ibigay ang lahat ng oras at panahon sa paghahasa sa 'ming kakayahan sa iba't ibang larangan ng malayang pamamahayag.,
kamote.,
pati ako dinudugo sa blog na 'toh.,

hayun.,
sulit na sulit naman ang lahat ng paghihirap.,
kahit na...
-madami kaming namiss na lesson.,
-namiss na quiz at unit test.,
-namiss na highlights sa bawat araw sa kalsrum.,
-namiss na bonding kasama ang klasmeyts.,
-hindi makagawa ng requirements.,
-hindi nakapagpapirma ng clearance.,
-hindi agad makakapag-exam.,
-hahabol.,
-tatakbo.,
-maglalakad.,
-gagapang.,
-maghihingalo.,
-mamatay(?)... jok lng.,

haha.,
iba talaga.,
kapag naghirap ka at nagpakatutok.,
kapag minahal mo ang...
-mga kamay mo
-ang utak mo
-ang mata mo
-ang lapis o bolpen
-ang scratch o papel
-ang tissue na may sipon
-ang kapwa agha na sinisipon
-ang nanay ng aghamanon
-ang daddy ng aghamanon (tnx nga pla sa doughnut at polboron)
-ang aghamanon choral
-ang original catdog
-ang muntinlupa boys
-ang bawat araw ng...
-tawanan
-kabahan
-katatakutan
-bondingan
-kantahan
-iyakan
-talunan
-kaibiganan (haha)
-lapangan ng baon
-kainan sa platong may plastik
-hugasan... ng ppplato at kkkutsara at ttttinidor
-hilikan
-batuhan ng unan
-ang DSPC
-ang miracle na lahat ng 'to eh nangyare..

iba talaga.,
pag...
-nagtiis
-naghirap
-nagpasensya
-umunawa
-nag-asam kahet pano
-NAGDASAL...

kasi...
-sulit na sulit
-bawing bawi
-solve na solve...

kaya.,
salamat talaga kay LORD -tanging naging lakas ng agha sa lahat ng pinagdaanan at pagdaraanan pa.,
para sa Kanya ang lahat ng nakamit namen...
isang honor na para sa 'men na papurihan si Lord sa pamamagitan ng pagsali namen sa DSPC.,

wala kong masabi.
kung gano ako ka thankful.

basta...
MANIWALA LANG TAYO.
AT ANG PAGTITIWALA AY HINDI BASTA PAGTITIWALA LANG.
SIKAP. HIRAP. DASAL.

ang agha.
isang bakat sa kasaysayan ng Risci.