lunes. nasa bahay ako kaninang umaga nang mapabalikwas mula sa pagkakahiga. kamote. alas-singko na ng umaga. dinedma ko na naman ang alarm ng telepono ko.
sa kabila ng pagkabilasa dahil pakiramdam ko'y malelate ako sa klase, hindi naman ako nakalimot sa pagbati ng good morning kay Lord sa pamamagitan ng isang dasal. at bagamat wala pa masyado sa wisyo, binitbit ko na ang damit at bag na hinanda ko limang oras lang ang nakararaan, bago ako matulog. bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay at nadatnan si mama na kay aga eh bagong paligo na. masama kasi ang pakiramdam niya kahapon. naglaba, nagplansta, nagluto, nag-asikaso sa projects ni papa, naglinis ng bahay, hay. sa pag-iintindi niya sa min nakakalimutan na niyang intindihin pa ang sarili niya. :(
kung maaari nga lang eh hindi ko na kailangang mag-aral pa nang sa gayon ay masamahan ko si mama sa bahay at matulungan siya sa mga gawain niya. nalulungkot kasi ako sa tuwing nakikita siyang pagod at nagtitiis sa sakit na nararamdaman sa katawan. ganito nga siguro yung pakiramdam kapag nakikita mong hindi na ganoon kalakas ang mga magulang mo di tulad noong bata ka pa. nalulungkot talaga ko. hayy.
sabi ko na nga ba, hindi ko maiiwasang isingit sa blog na 'to ang mga iniisip ko tungkol sa mga magulang ko. nandyan lang naman si Lord na palaging gumagabay sa kanila sa kabila ng maraming alalahanin at dapat asikasuhin sa pamilya.
*** nakakatuyot ang klase kanina sa chem lab. sa kalagitnaan ng pag-eexperiment namin ay naramdaman ko ang aking lalamunan na naghahangad ng isang baso ng coke na maraming yelo. si katawan naman ay nais nang lumupasay sa malambot at malamig na kama, samantalang si mata ay nais nang sumara.
konting tiis na lang sarili, pitong araw na lamang ang iyong paghihirap at makalalasap ka rin ng ladindalawang oras ng tulog sa bahay, yakap ang paborito mong unan at hinahanginan ng bentilador na naka-set sa number 2 (industrial fan kasi eh, masyado na syang mahangin sa number 2 XD).
sa paglabas ko sa rh lobby (well, tapos na ang klase X)), napansin ko ang isang pusa na naka-upo at tila may inaantay sa malaking column sa entrada ng rh. binati ko sya,"ming."
gumagawa ako ng assignment sa chem ngayon. malapit sa bintana, ilang maliliit na tinig ang sumagi sa aking tainga. mga batang naglalaro sa may bakuran ng katabi naming bahay. nagro-role playing sila:
vina (kunyari): lumayas ka bendita! hindi ka na namin mahal nina wowa at ng daddy mo! agua (kunyari): wow! talaga mama? hindi na natin mahal si bendita? yehey! **si agua na pala ang bully ngayon. XD
naputol ang eksena-kuno at maya-maya'y nag-away na sila kung sino dapat ang gumanap na agua:
bata1: ako, ako si agua! bata2: hindi, ako si agua! ang kapal ng mukha! bata1 at bata2: *sandaling sigawan, hindi ko na maintindihan yung mga sinabi nila*
ilang sandali pa'y narinig ko ang mabilis nilang pagtakbo palayo sa kung saan ay maigi ko silang nadidinig. ang isa'y humiyaw na parang isang ibon. tumakbo sila sa kalawakan ng manggahan, habang hindi pansin ang pagyakap sa kanila ng hangin na siya ring nagpapasayaw sa mga puno ng mangga. tumingla ako sa may bintana, umiihip ang hanging tila nalalaman na siya'y aking pinapansin. sumabay pa ang awit ng nagbubungguang dahon ng mga puno. sa di kalayua'y may tumilaok na manok, dumagdag pa sa ingay ang pagdaan ng isang traysikel na humaharurot. noon ko lamang napansin na naglaho na rin ang tinig ng yaong mga bata kanina. at ngayon ko lang din naalala na may gawain pa akong dapat tapusin at ipasa.#
wala akong magawa. habang sinusubukan kong ibalik ang mga araw, napagttaanto kong naging isang makasariling nilalang ako. ni hindi ko na nga maalala ang huling tawanan at kwentuhan naming magkakapatid, o ang mahahabang comedy at pagdadrama namin ni mama. wala na akong mabatid kung kailan kami kumain nang sabay-sabay o nanuod man lang ng isang pirated version na pelikula. kailan nga ba ako huling bumanat ng joke o nagmistulang baliw sa kasasayaw kahit wala namang tugtog. kailan ba kami huling umawit ng isang kanta, kaalinsabay ng pagstrum ko sa aking gitara. kailan ba ako naglaan ng oras para tulungan ang aking mga kapatid sa mga gawain sa skwela? kailan ko nga ba huling naipaghain ng hapunan si papa? kailan. hindi ko na maalala.
wala akong maisagot kundi tulo ng mga luha. hindi ko dapat gawing liban ang pagiging abala ko sa paaralan, maging ang pagod na dulot ng aking paguuwian. ngunit, sa isang sulok ng aking isipan, bagamat hindi ko na maalala ang mga bagay na aking nakagawian, naalala ko naman ang mga pagkakataong ipinararamdam sa akin ng Diyos na Siya'y naririyan lamang. ang mga pagkakataong napapariwara ang aking mga gawi, pag-iisp at pananalita. ang mga panahong sa aking ulirat ay pagiging mapanghusga ang naghahari. ang mga sandaling sarili ko lamang ang aking nakikita. sa lahat ng aking mga pagkukulang. sa aking mga pagkakasala. hindi nawawala ang katotohanang ako'y patuloy na inaakay ng Diyos. tila isang batang itinatayo mula sa pagkakadapa. isang batang nahanap mula sa pagkakaligaw. isang batang kulob sa madilim na kwarto't sinilayan ng liwanag.
salamat. sapagkata nakikita ko ang mga ito. salamat po sa patuloy Ninyong pagpapa-alala sa akin na ako'y sa Inyo. hindi man ito maintindihan ng nakararami, naniniwala akong batid na batid mo po Lord ang nilalaman at inaasam ng aking puso. patuloy po kayong kumilos sa aming buhay, sa buhay na walang ibang katiyakan kundi ang inyong pag-ibig.
*hindi naman sa 'down' ako ngayon. may isang bagay lang nitong mga nagdaang araw ang hinahanap-hanap ko, ngunit hindi ko maarok (ugh) kung ano yon. anyway, anuman yun, Lord, Kayo na po ang bahalang magpuno. grabe. angsarap sa pakiramdam kapag nailalabas yung mga thoughts na tulad nito. narerevive ako. nakakagising. :)
...It was kind of like the Oblation statue times ten, minus the fig leaf, plus a few flabs, in real-time motion, with screaming girls and TV cameras all around. They were there, and then they had passed. And again for another lap, and then they were gone...
The Oblation Run, Zorro, and Me By AVERILL PIZARRO BA Philosophy University of the Philippines-Diliman published in Manila Bulletin Students & Campuses Schools, Colleges & Universities Friday, December 18, 2009
***
"panahon ng pagbabago sa pagbabago ng panahon." ito ang mga salitang nakalimbag sa isang plakard na binabandera ng isa sa mga nagsitakbuhan noong oblation run sa diliman. sayang lang, taga UP-manila kasi ako at noong mga oras na ginaganap ang oblation run dun eh nanonood naman kami ng human origins sa scosci1 class namin. echos lang, tinigil ang film at binuksan ng isa sa sa mga kaklase ko ang pinto nang mavibes nila ang pagdating ng mga nagtatakbuhang hubo sa hallway ng 2ndflr ng rizal hall. dumaan sila, walang saplot, at maya-maya'y biglang may isa o dalawa sa kanila ang pumasok pa sa room namin para mag "hi" na para bang si jollibee lang na nage-entertain ng mga bata sa isang children's party.. dalawang beses akong napa-'sh*t' dahil sa shock. pinagsisisihan ko naman na nagmura ako non. pagkatapos non, sinara na namin ang pinto at nanood na kami ulit ng human origins. :P
birthday ni dek at ni nanay lola. nabati ko si dek, umaga pa lang. hindi ko nabati si nanay. :(( sad. haaaaay.
birthday nina dek at nanay lola. december10, 2009. uwian na. nakasakay ako non sa jeep papuntang recto, nakalagpas na kami sa may city hall. bantrapik. nakatitig na lang ako sa drayber na napakakulit, kala mo pumaparking lang sa isang lote.. sasabihin ko sana, "manong, hindi po kami nagbabayad para magpark lang kayo dito". naghihintay kasi siya ng iba pang pasahero. kung anuano na tuloy ang mga 'linyang'naiisip kong sabihn kay manong drayber ng dyip. antagal na nga sa trapik, antagal pa sa paghihintay ng pasahero. kamote naman o. wala din namang sumakay noong tagal naming naghintay sa tapat ng sculpture ng kkk malapit sa sm manila. kamoteng kahoy. mabuti na lang namanage ko kahit pano ang pasensya ko. hanggang thoughts lang ang aking impatience.
carriedo. anu pa abng aasahan mo?? kamote din. buti na lang talaga cool lang ako nung mga oras na un. nakuha ko pang kunan ang magulong mundo sa carriedo gamit ang phone ko. habang naghahanap ako ng magandang piktyuran, napansin kong isa-isa nang napapatingala ang mga tao. syempre hindi ko nakikita kung anuman ung tinatanaw nila sa taas. gumana na naman ang mapanghusga kong isipan. naroong naisip ko na may gimik ang isang pulitiko at may helicopter effect sa ere. pero imposible naman un dahil kahit na mejo maingay noon, maririnig ko pa rin naman siguro kung may dadaan mang helicopter. nagfail ang una kong hypothesis. tsktsk. pangalawang panghuhusga. baka may nagtatangkang magsuicide. kaso imposible pa rin. kung magkaganun man, siguro magsisigawan na ung mga tao. maya-maya nga may mga nagtatakbuhan na. mayamaya rin narinig ko ang isang by stander sa kalye. 'sunog'. 'usok'. wala talaga kong nakikita mula sa kinauupuan ko non sa dyip. mayamaya ulit humarurot na ang trak ng bumbero. ang ingay ng sirena nila. kamote.natatakot na ko nun. lalong bumigat ang trapik. hindi na kami gumagalaw, i mean, ung dyip, hindi na gumagalaw.. malapit na pala sa odeon mall, kung saan ako bumababa. pagbaba ko hinanap ko agad kung anuman ung tinatanaw ng mga tao. shemaygulay. anlaki at ang itim nung usok. sabi ko tuloy,'Lord help us'. may isang babaeng nakapurple akong nakasabay sa pagbaba sa dyip. nagkasundo kami na lumayo muna sa lugar na may sunog. tabi ata un ng lrt recto station. nalaman ko na sasakay din pala sana siya ng lrt pasantolan. pero since may sunog nga, hindi na kami tumuloy pa sa station. kamote. ako naman mejo tuliro pa. 'sasama ba ko sa babaeng to?' tas maya maya nabanggit niya na noon lang pala sya ulit pumunta sa maynila. sabi ko naman sa maynila naman po ako nagaaral. tinanong niya kung san. sa yupi manila po. ah tlga.. grumaduate ako sa diliman.. kinuha ko lang ung clearance ko jan sa nbi. naghinala pa rin ako. naku, baka ginogoyo ako nito, ibugaw ako. lokolokong isipan. napakasamang panghuhusga. syempre sa panahon ngayon kelangan na rin maging cautious.
napagdesisyunan naming lakarin ang papunta sa carriedo station. odiba, sumama pa rin ako sa kanya kahit na may doubt ako, nica talga o. isasabay na daw niya ko paguwi. taga masinag kasi siya at sa robinsons east niya pinark ang kotse niya. ngayon, dahil rush hour at trapik.. maraming tao sa lrt.. trapik at mabagal naman ang mga bus. kaya sabi niya, dadaan kami sa mapua para makisabay sa kaibigan niya don - and dean ng graduate studies ng mapua: Jonathan Salvacion daw. siya nga pala si Cathy Soliman. wala na kong nagawa. pero nasabi ko na rin naman kina papa ung tungkol sa sitwasyon ko. sabi ko gagabihin ako. ok ingat. kamote, sumakay kami sa carriedo station at bumaba sa central terminal. habang binabaybay nmin ang daan papunta sa mapua, may mga nakasalubong kaming tumawag kay mam cathy na "mam!". kamote. totoo nga. hindi ko pa pala nabanggit na sinabi na rin niya sa kin na naging dean na siya sa mapua sa industrial eng. IE din ang tinapos niya sa yupi diliman. nagturo din siya don ng halos sampung taon din daw. kamote. naghalohalo na ang emosyon sa ken. takot. alala. overwhelmed. chuva. hanggang ngayong sinusulat ko 'to ramdam ko pa rin.sa lahat ba naman ng makaksaby sa isang 'adventure' eh isang bigtime up alumni pa. kamote. nung dumating nga kami sa mapua (nga pala, bangganda sa mapua, anlayo ng hitsura sa yupi manila.. tiles. kahit maliit, maganda pa rin) dumiretso kami sa graduate studies office. dean nga don ung friend niya na isang up alumni din. chem eng naman. si sir salvacion nga. sa kanya daw kami sasabay pag uwi. nga pala, eto ang una kong pagkakataon na pumunta sa mapua. kamote. nagpalamig kami sandali, inom tubig, interview.. ah sa yupi manila po ako nag-aaral, biology po.. first year pa lang po ako.. and chuva and chever. mga 6:30 na rin non nung umalis kami sa mapua. marami pang studyante. daming boys. daming papa. LOL. =D
kotse mehn. sa makati kami dumaan. at sa byahe, andami kong nalaman hindi lang tungkol sa yupi, kundi tungkol sa mga buhay ng mga alumni ng paaralang pinapasukan ko ngayon. sa buhay nila in particular. pero hindi ko na isasama pa kung ano ang mga yon sa journal entry na 'to. ang hindi ko lang makakalimutan eh nung dumadaan kami sa c5, nakita ni sir salvacion ang isang billboard ng bench.. hindi niya makilala (pati ni mam cathy) kung sino ung babae na nakapose suot lang ang kanyang pink at white underwear. kilala mo ba yan, nica? (nica nga pala ang pagpapakilala ko sa kanila, mas komportable akong tinatawag ako ng mga mas matanda sa kin sa ganong panglan eh.) nakilala ko ung nasa billboard. si katrina halili. sabi tuloy ni sir, 'ah talaga, yan pala si katrina ah. beautiful. simula ngayon, kay katrina halili na ko.' si marianne rivera daw kasi ang dati nyang crush. :D hinatid muna niya ang pamangkin niya sa yupi diliman bago kami dumiretso sa robinsons, kung san naghiwa-hiwalay na kami landas.
'salamat po talaga, sir, mam.'
'minsan pag bibista ka sa mapua sabihin mo lang sa guard jonathan salvacion ha.' --sir salvacion. xD
'ui pasensya na kung hindi ka namin mabibigyan ng calling card ah' --mam cathy.
'at least alam niyang taga yupi din tayo' --sir salvacion.
'aral mabuti, ok lang maging workaholic habang bata. sulitin mo ang kabataan mo, nica.' --sir salvacion.
'opo'
haaai. hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang napasok ako sa mga sitwasyong yan. what a day. :|