Thursday, December 8, 2011

walang 'di maaantig.



Nagsimulang umingay sa entablado, putok ng baril, sigaw ng isang lalaki, at maya-maya’y si Sisa na ang lumantad. Tuluyan na siyang tinakasan ng bait, ngunit namumutawi pa rin sa kanyang mga labi ang pangalan ng dalawa niyang minamahal na anak. Hindi na lubos na kinaya ng kanyang damdamin ang kapighatiang nag-uumapaw sa kanyang dibdib, ang kahihiyan, ang pagka-ulila. Samantala’y naulinigan siya ng anak na si Basilio, na dahil sa tama ng baril sa binti’y paikad-ikad nang patakbong humabol sa kanyang tulirong ina. Nang maabuta’y hindi pa siya agad na nakilala, paglao’y tila bumalik ang matinong ulirat ni Sisa, at pinupos ng halik ang kanyang panganay, niyakap, dinama ang pisngi nitong dinadaluyan ng maitim na luha dahil sa karungisan. Nakilala niya si Basilio, at naparamdamn niya rito ang kanyang walang kapantay na pagmamahal, bago siya tuluyang malagutan ng hininga. Balot ng pighati ang bawat hagulgol at pagsamo ni Basilio, at lubos na nakakalungkot na hindi na niya makakapiling pa nang buhay ang ina kahit pa isang dagat ang kanyang iluha. 

- bahagi ng buod na nilikha ng inyong lingkod para sa reaction paper sa PI 100 
sa produksyon ng Dulaang UP na Noli: The Opera
walang 'di maaantig. :'(
-HENO.

Sunday, June 12, 2011

impulso.

6:46am dito sa orasan ko. dapat naka-upo na ko sa trono nang ganitong oras. dapat 8am nasa skwelahan na ko at nag-aasikaso sa form5 ko: PERO HINDE.

unang araw ng ikatlong taon ko sa kolehiyo. ambilis. pero kapag inaalala ko yung mga nakaraang taon, UGH. ansarap sa pakiramdam na nalagpasan mo lahat 'yon, kahit gano kahirap. ngayon, may mga bagong sabak na naman sa 'industriya' na 'to, isa na sa kanila ang kapatid ko, at sa totoo lang, nag-aalala ako para sa kanya (sana hindi niya mabasa 'to, 'di kasi ako talaga cheesy). pano kase, nung hayskul sya, nararating na niya ang skwelahan nang, ewan, minimum siguro 2 minutes, pag nagmamadali. ngayon, maximum of 2 hours, saka pa lang siya makakahinga mula sa polusyon, ingay, pagod sa byahe, etc. isipin niyo na lang kung gano kalaki yung diperensya. mula ngayong araw na 'to, 5 days a week niya tya-tyagain 'yon (sorry sa spelling nung tiyaga). kamote, kahit ako mahihirapan sa adjustment na gagawin niya. God bless you 'tol.

well. 7:02 na. LAGOT. ubos na ang kape ko. hindi ko pa nakakargahan ang sikmura ko ng matinong pagkain. tumingin ako sa labas, makulimlim at makuliglig. humuhuni na rin ang mga ibon, pati ang mga dumaraang sasakyan. Maynila. kahit gaano pa siya kaganda, kaunlad?, at kataas sa pananaw ng mga nasa pook-rural, 'di pa rin niya maitatago na malungkot siya.

naaamoy ko na ang piniritong tuyo mula sa katabi naming carinderia, pati yung sabon na gamit ng kararating ko lang na dormmate - nagjogging kasi siya.

basta na lang ako nagtayp ng kahit ano ngayon, tulad sa isang journal. at tulad din ng ibang entry ko dito (at sa iba ko pang blog siguro), walang malinaw na kinahihinantnan ang mga sulatin ko. walang malinaw, pero meron.

Friday, May 6, 2011

Norte :)


dami nilang puno dun sa NWU, asa pa ko sa Manila. :| *bitter*


Kapurpurawan: Limestone Formation + blue sky + someone. HAHA. guess who. :D


Bangui! kunwari surfing o. DI NAMAN. x)


iron windmills, si Marcos daw nagpagawa nyan. K.


view mula sa roofdeck ng alumni house, laki ng field nila, bitter talaga ko.

Reminiscing the north (reaction paper 'to sa Bio115 XD)

At first, I was really worried about travelling for 12 hours. I easily get bored during a long trip so I was thinking of things to do to kill time – except for sleeping. I planned to play a guitar but it turned out that my blockmate, whom I requested to to bring her instrument, was assigned to the other bus. So, I ended up ‘watching’ a movie and looking at everything I was able to ‘see’ along the road. I did not have any problems while we were in the bus, which I did not expect, because I usually get dizzy and nauseous throughout bus travels before. For this, I want to commend the Maria de Leon bus company for keeping us not only safe but comfortable in the course of our trip. And yes, I admit, it was my first time to be conveyed by a first class bus.


By the time we arrived at Ilocos Norte, I felt warmly welcomed by the air and every single, non-human living being that I can see there. I felt relieved for the only sign similar to Manila that I noticed were the electric cables and posts, while everything else are trees, small plants, fields, mountains, animals, the sun, sky – nature at its best. Simply being there, it was so overwhelming. I can’t help the feeling of being lost in thought and just stare and appreciate nature.
The tour around the Botanic Garden was really really tiring, but it was fulfilling. Having an idea of all the plants there is no joke, especially when you’re taking pictures and noting the characters at the same time under the afternoon sun. I may not have memorized all of them, but the fact that these species are only representatives of a particular plant family made me more interested in studying them. I cannot help being overwhelmed all the time, it’s just that I wonder how complex life is that it is inevitable to have a Higher Being responsible for all these complexities – especially those we still cannot explain.
As for the sleeping quarters, man, how lucky are we to be assigned to the alumni house. Although it was located far from the canteen and the other sleeping quarters (where most of our blockmates were assigned), I enjoyed staying on the playing grounds (I mean the field) in front of the house. It was because I was reminded of how much I wanted to stare at the sky every night back when I still have time to lavish stargazing.
I also want to commend the canteen staff for providing us appetizing meals, especially the pinakbet (served during lunch on the second day of our activity). It was as if my mother cooked that one – it made me felt like I was just having lunch at home.

Of course I will not forget to mention the night I had an allergic attack. I did not have any idea that the vegetable dish served for dinner has malunggay fruits in it. I thought they were just young string beans or sigarilyas. Naubos ko pa man din lahat yung sinerve na gulay, ansarap kasi e. It was really terrible, and to share to you, my swollen face already gave me an idea of how will I look like when I grow old. So far, that was my worst allergic attack - I even thought of dying that time because I found it difficult to breathe normally. Thank God my friends helped me overcome my allergy – they prayed and stayed beside me that night.

With regards to the main activity of our field trip, I first want to thank Ms. Ragragio for being adventurous while we are gathering our plant specimens in the first biome. I always loved hiking since I was a kid. It was so fun getting wet and muddy when we tried to hike a very steep part of that place (that was Cagayan territory already). Some of my lab-mates considered this experience the adventure of their lifetime. As for me, I'm looking forward to more adventures more extreme than this one in the future (I'm soooo excited!).

As we reached Bangui, I cannot explain how overwhelmed I was when I came in close contact with one of the iron windmills built by the sea shore. It was really fun looking up at it and watching it continually rotate its huge blades.Sobrang ganda po talaga dun, I wished I have my family there with me. It felt like I’m floating, high na high kumbaga, because of the place’s natural beauty, especially the waters. Sulit na sulit po yung view, kahit mainet sa paa at kahit nabasa na yung pants namen. The experience was real and absolute, thank God it wasn't just a dream (hehe). I cannot ask for more that moment really. I just want to stare at the sea and the sky and the windmills, and drown in their magnificence.

I got my skin tanned when we went to Burgos where the infamous Kapurpurawan rock formation is situated. I was already covering my face with the plastic bag containing the collected specimen while we roamed around and took pictures of the superb limestone formation. Sulit din po dun kahit na sobrang inet.

During the third day, particularly in the afternoon, I went to Laoag main with one of my blockmates to buy some pasalubong. There I noticed how clean and organized their market is, unlike ours in Antipolo. To briefly describe it, the market has three levels, the first and the third were the dry ones while the wet market (fish, poultry, and meat) is on the second level. I realized then how rich and fortunate the Ilocanos are, their city is not industrialized and they have a lot of soil to cultivate. For this, I say that Laoag is richer than Antipolo, and even richer than Manila. It is not the office buildings and malls and other theme parks that signify the richness of a place, but the people who are working hard in order to keep it as it is.

Everything about the field trip to Ilocos Norte was awesome – even the moment I had an allergic attack. Ngayon alam ko na kung anong itsura ng bunga ng malunggay. I even included one thing in my aspiration list after the trip: to have my own house up north. :)

Wednesday, April 27, 2011

nabubuhay ka sa isang magandang panaginip.

yung title, sinabi ng kontrabida sa koreanovela ni Tak Gu. nagbubugbugan na sila ngayon sa rooftop, dramatic yung bg sound, palitan sila ng ng kinabisadong script, kontra sa isa't isa, isang altruistic at isang makasarili. dehado si Tak Gu syempre, kinakabahan na nga yung bunso kong kapatid kasi baka mamatay yung bida. hindi naman niya kailangang mag-aala dahil di ko naman siya bibidyuhan sakaling maiyak siya pag 'namatay' si TakGu.

"Akala ko, akala ko mamatay na ko talaga," si TakGu (nakakainis paulitulit yung pangalan niya). akala ko din mamamatay na si Tak Gu, tas hahaba pa lalo ang storya. pansamantalang masusunod ang maiitim na balak ng kontrabida. yun pala buhay si TakGu, up for revenge. kapag nagkagayon matagal pa rin bago kami makapanood ng pelikula mula alas-diyes ng gabi kasi puputulin niya (ni bunso) yung pelikula at susubaybay sa Baker King (mahal, mahal na mahal kita.. ang puso ko'y iyong-iyo, asahan mong maghihintay...)

kaarawan ngayon ni mama. nanonood ng Baker King yung dalawa kong kapatid, yung isa patext-text lang, si mama papindot-pindot lang sa calculator kakakwenta ng mga ginastos sa project ni papa (na wala ngayon sa bahay) sa trabaho, ako pasundot-sundot sa keyboard. karaniwang araw 'to kung tutuusin. kaarawan ni mama, walang kantahan (as in videoke), walang inuman, walang maraming tao (na maiingay). pero kontento kaming lahat.

umiiyak si Matthew dahil napagtanto niyang mali ang tinahak niyang daan sa pagkamit sa pabor ng tatay niya. masaya kami (at si Tak Gu) kasi posibleng mabuhay tayo sa isang magandang panaginip.

Sunday, May 16, 2010

summer lunes. summer classes.

lunes. nasa bahay ako kaninang umaga nang mapabalikwas mula sa pagkakahiga. kamote. alas-singko na ng umaga. dinedma ko na naman ang alarm ng telepono ko.

sa kabila ng pagkabilasa dahil pakiramdam ko'y malelate ako sa klase, hindi naman ako nakalimot sa pagbati ng good morning kay Lord sa pamamagitan ng isang dasal. at bagamat wala pa masyado sa wisyo, binitbit ko na ang damit at bag na hinanda ko limang oras lang ang nakararaan, bago ako matulog. bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay at nadatnan si mama na kay aga eh bagong paligo na. masama kasi ang pakiramdam niya kahapon. naglaba, nagplansta, nagluto, nag-asikaso sa projects ni papa, naglinis ng bahay, hay. sa pag-iintindi niya sa min nakakalimutan na niyang intindihin pa ang sarili niya. :(

kung maaari nga lang eh hindi ko na kailangang mag-aral pa nang sa gayon ay masamahan ko si mama sa bahay at matulungan siya sa mga gawain niya. nalulungkot kasi ako sa tuwing nakikita siyang pagod at nagtitiis sa sakit na nararamdaman sa katawan. ganito nga siguro yung pakiramdam kapag nakikita mong hindi na ganoon kalakas ang mga magulang mo di tulad noong bata ka pa. nalulungkot talaga ko. hayy.

sabi ko na nga ba, hindi ko maiiwasang isingit sa blog na 'to ang mga iniisip ko tungkol sa mga magulang ko. nandyan lang naman si Lord na palaging gumagabay sa kanila sa kabila ng maraming alalahanin at dapat asikasuhin sa pamilya.

***
nakakatuyot ang klase kanina sa chem lab. sa kalagitnaan ng pag-eexperiment namin ay naramdaman ko ang aking lalamunan na naghahangad ng isang baso ng coke na maraming yelo. si katawan naman ay nais nang lumupasay sa malambot at malamig na kama, samantalang si mata ay nais nang sumara.

konting tiis na lang sarili, pitong araw na lamang ang iyong paghihirap at makalalasap ka rin ng ladindalawang oras ng tulog sa bahay, yakap ang paborito mong unan at hinahanginan ng bentilador na naka-set sa number 2 (industrial fan kasi eh, masyado na syang mahangin sa number 2 XD).

sa paglabas ko sa rh lobby (well, tapos na ang klase X)), napansin ko ang isang pusa na naka-upo at tila may inaantay sa malaking column sa entrada ng rh. binati ko sya,"ming."


..."meow", sagot niya. :))

Saturday, May 15, 2010

isang tahimik na hapon...

gumagawa ako ng assignment sa chem ngayon. malapit sa bintana, ilang maliliit na tinig ang sumagi sa aking tainga. mga batang naglalaro sa may bakuran ng katabi naming bahay. nagro-role playing sila:

vina (kunyari): lumayas ka bendita! hindi ka na namin mahal nina wowa at ng daddy mo!
agua (kunyari): wow! talaga mama? hindi na natin mahal si bendita? yehey!
**si agua na pala ang bully ngayon. XD

naputol ang eksena-kuno at maya-maya'y nag-away na sila kung sino dapat ang gumanap na agua:

bata1: ako, ako si agua!
bata2: hindi, ako si agua! ang kapal ng mukha!
bata1 at bata2: *sandaling sigawan, hindi ko na maintindihan yung mga sinabi nila*

ilang sandali pa'y narinig ko ang mabilis nilang pagtakbo palayo sa kung saan ay maigi ko silang nadidinig. ang isa'y humiyaw na parang isang ibon. tumakbo sila sa kalawakan ng manggahan, habang hindi pansin ang pagyakap sa kanila ng hangin na siya ring nagpapasayaw sa mga puno ng mangga. tumingla ako sa may bintana, umiihip ang hanging tila nalalaman na siya'y aking pinapansin. sumabay pa ang awit ng nagbubungguang dahon ng mga puno. sa di kalayua'y may tumilaok na manok, dumagdag pa sa ingay ang pagdaan ng isang traysikel na humaharurot. noon ko lamang napansin na naglaho na rin ang tinig ng yaong mga bata kanina. at ngayon ko lang din naalala na may gawain pa akong dapat tapusin at ipasa.#