Thursday, November 12, 2009

isked ni iska.


YAY. :)) isang mahabang kwento kung pano ako nag-arrive sa sched na ito.
malamang, may kwento ulit ako sa susunod. :))

Saturday, October 3, 2009

still Matt.7:14. keeping me MACHO.

umaga na.

linggo na. bukas, lunes na. eh ano ngayon?
...
eh di october4.

ito ang tinatawag na stress. alas sais ako nagising at bumangon kanina.. natatakot kasi ako sa bagyo. chinek ko yung tuta naming si Ccino.. bka nabasa na sya sa labas.. buti hindi, anggnda pa ng posisyon niya sa pagtulog.. parang tao lng.. lying on his back. imaginenin mo. ankyut dba? yan ang magandang pambungad sa umaga, kahit hindi mukhang umaga ang umaga, si Pepeng kasi, killjoy.. wala tuloy araw.. andulldull.. parang si ondoy.. atleast umeksit na siya.. kaso daming iniwang atraso.. teka, siya nga ba ang may atraso? o tayo? sino nga ba? tayo nga ba? sino pa bang iba? meron pa bang iba? wala na. tayo nga.. tayo naman talaga.

akala ko maybalita kaninang umaga.. nagtataka ako dahil matagal din akong nakatulala sa TV pero pulos anime ang palabas.. eh kay-aga pa non.. alas siete y media ko na nalaman na wala palang balita.. ilang oras din akong nag-isip isip sa mga gawain ko sa araw na ito.. alas otso na nang kumilos ako.. sinaksak ko yung extension.. binuhay ang computer.. binuksan ang mga dokumento.. nag-isip. naghanap. nagtayp. nagbasa.. multi tasking.. kasi habang nasa pc, kumakain na din ako ng agahan.. na niluto ni mama.. na natulog ulit after niya magluto..

maghapon akong nakaharap sa monitor.. marami ehh. marami ring mga bagay ang inayos.. inalala.. tulad ni mama.. nagulat ako naglaba sya.. gayong may bagyo.. pero mabuti na rin yon hindi siya gano mahihirapan sa mga susunod na araw.. pag tumambak ang mga damit.. ayy. parang ayaw ko nang pumasok.. nakakapagod maglaba.. pero every other day niya yung ginagawa.. at hindi lang yon ang ginagawa niya.

merienda.. minatamis na kamote. paborito ng mga tao sa bahay na to.. mga taong matakaw.. pero ndi naman nagsisitabaan.. ang katawan.. pero ang puso, sadyang mataba.. mataba ang puso ng mga taong nagbuwis ng buhay. tumulong. nakidalamhati. nanalangin. sa mga naging biktima ng kalamidad.. walang wala.. isipin mo 'yon, mawala sa iyo ang lahat.. tila nakakabaliw.. pero sa nakikita natin sa mga larawang hatid ng media, ngiti. tawa. pagbangon. tila nakamamangha.. nakamamanghang lalo kung saan o kanino sila humuhugot ng pag-asa..

walang pormal na hapunan.. busog kasi kami dahil sa merienda.. naubos na ang minatamis na kamote.. sinundan pa ng noodles.. nagluto ng adobbong mani paglubog ng araw.. ngumata ng mani.. ngumata ng oras.. ng masayang mga oras.. kahit na maghapon ako rito sa harapan ng monitor at gumagawa ng gawaing pampaaralan, kahit na tila isolated ang aking atensyon at ulirat mula sa kapaligiran ng bahay na ito, mayroon naman akong mga tainga na bagamat kung minsan ay nabibingi ay malinaw pa ring nakakarinig sa salitaan at tawanan at biruang nagaganap..

anupa't masasabi ko na ang araw na ito, sa kabila ng pagkakaroon ko ng panandaliang sariling mundo, ay isang payak at maligayang araw.. araw. sana'y magpakita nang muli ang araw mamaya..

stress nga.
tsk. stress lang yan.

Sunday, September 20, 2009

Sunday mornings..

hindi tayo perpekto. tayo'y may kani-kaniyang mga kalakasan at kahinaan. hindi natin taglay ang lahat ng talento ngunit binigyan tayo ng kalayaang linangin ang MGA kakayahang taglay natin. hindi man natin nasahod ang lahat ng talento, may kapwa naman tayo para patuloy na punan ang kakulanagan at pangangailangan ng bawat isa. isa itong magandang paliwanag kung bakit hindi tayo nilikha ng Diyos bilang perpektong mga nilalang. dahil kung nabubuhay tayong walang kakulangan, hindi na natin kakailanganin ang ating kapwa, na mabuti na ring tawaging mga KAIBIGAN, at kabilang na sa kanila ang Diyos.. :) magandang umaga. Linggo na. :)

Saturday, September 12, 2009

alas onse y media

KAMOTENG KAHOY.
hindi kasi ako komportableng magmura, o sabihin na nating hindi talaga ako nagmumura.. hanggang bwiset at tanga lang ang kaya ko. so, aun. bakit ko ba sinasabi toh? kamoteng kahoy.
minsan kapag super surprised ako, o yung tipong mapapasubsob sa biglaang pagpreno ng lrt (bwiset hindi man lang nagsasabi ung operator, sayang poise ko. hmp.), nadadagdagan pa ang expression ko na 'to: 'ay kamoteng kahoy na may asukal!' sa ngayon, yan pa lang naman ang pinakamahaba. antabayanan niyo na lang at baka masundan pa 'to..

MATH DIES Y SIETE.
huh? iniwan ko siyang nakabulagta sa mesa.. nakakakonsensya. alam kong siya'y umaasa pa.. ako? nalilito. nahihilo. hoi math17, asan ba ko sa'yo?

ayan. nakalagpas na ang mga kamay ng orasan sa alas onse y media.. marami pang dapat aralin. nakamamangha tong pangatlo kong kapatid.. lumalabas na ang pagiging artistic niya.. nakakainis tong blog ko, kung sansan napupunta.. isa lang ang ibig sabihen niyan, magulo ang utak ko.>.<>

Thursday, August 20, 2009

ako vs ako.

ilang beses ko nang naranasan na masaktan dahil sa sarili kong pride.

kanina, habang traffic palabas ng junction mula sa may gawing makro, may batang pumasok sa jeep at inisa-isang dinaanan ng kaunting punas ang mga sapatos ng mga pasahero, kasama na ang sa 'ken.. yon ang paraan niya para makahingi ng limos o barya mula sa mga tao.. tinitingnan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa dulo ng jeep malapit sa drayber.. saka dahan-dahang nagbakasali ang bata sa mga mga may mabuting loob na maglilimos sa kanya nang papalabas na siya sa jeep.. naisip ko na ibigay na lang ang skyflakes at presto cream na hindi ko rin naman nakain kanina sa paaralan, pero sa isang sulok ng utak na toh, naalala ko ang isang verse mula sa Bible na may ganitong thought, "ang paggawa ng kabutihan ay hindi na kailangan pang ipanganlandakan sa iba, at hangga't maari ay wala sanang makakasaksi sa iyong mabuting hangarin". ayan. hindi ko na maalala kung anong verse..

balik tayo sa bata. . at aun na nga, nang palabas na siya sa jeep, isa ako sa mga huling marahan niyang kinalabit sa kamay.. wala akong tanging reaksyon kundi isang malungkot na mukha at pag-iling, nagpapahiwatig na wala rin akong maibibigay sa kanya.. anong klaseng pag-iral toh?! sobra sobra ang pagsisising naramdaman ko matapos ang pangyayaring yon.. hindi ko maipaliwanag pero parang naipit ako sa sitwasyon.. marahil ay tahimik ako nang mga oras na yon, pero sa loob-loob ko eh inaaway ko na ang sarili ko.. pinapagalitan.. sinisigawan.. halohalong emosyon ang pumuno sa ken. kalungkutan, galit, pagsisisi, awa.. hanggang sa mga oras na to.

wala na akong nagawa.. naging bitter lang ako sa sarili kong kahunghungan. pero pinagpapasalamat ko pa rin na napasok ako sa ganoong pangyayari.. isang 'test' yon. isang one-item test. at mali ako.. pero ngayon, alam ko na ang tamang sagot: mula sa ikalawang libro ng Thessalonians, chapter 3 verse 13... NEVER TIRE OF DOING WHAT IS RIGHT.. at sa personal kong pananaw at pagkatuto, hangga't parehong mabuti ang intensyon at pinaplanong aksyon/desisyon, wag kang maghesitate na gawin/sabihin yon.. anumang sabihin o ihusga sa'yo ng mundo.

now playing: one step at a time (j.sparks).. narinig ko kasi ung line, "we live and we learn."

Wednesday, August 12, 2009

magulo...

..ang mundo sa mga mata ko.

ay isang batang nakatunghay sa kawalan hawak ang mga baryang pantawid gutom.
ay isang matandang nakahimlay at makina na lamang ang sa kanya'y bumubuhay.
ay isang inang kahit pagod na sa mga gawain sa umaga ay nagawa pang maglaba sa gabi.
ay isang pinagsawaang zagu na bagamat di pa ubos ay naitapon na.
ay isang pares ng mga binti na wala sa bokabularyo ang pahinga.
ay isang barker na pilit pang pinagkakasya ang apat na tao sa jip na bente lang ang kasya.
ay isang kaibigan na palaging maasahan sa tawanan.
ay isang dalaga na matapos lumuha sa pakikipagbreak ay nagawa pang humalakhak pagkatapos.
ay isang mapanghusgang isipan.
ay isang paraiso sa ilan -- pagkat nakalimot sa katotohanan.
ay isang blog na tulad nito, magulo, may patutunguhan ba, depende sa pagkakaintindi mo.

eto ba ang mundong nakikita mo?

Saturday, August 8, 2009

tsk.

watdafat.

hindi ko inaasahan na mapupunta sa isang engkwentro ang dapat sana eh pagkakapatiran ng dalawang block ng bio sa isang meeting nung biyernes.. sa pagkakaintindi ko, hindi naging malinaw ang mga bagay bagay sa parehong panig kaya nagkaron ng palitan ng maiinit at 'mean' na mga salita sa pagitan ng mga freshie ng bawat block. kaya imbis na magkasundo eh hidwaan pa ang nabuo nang matapos ng di pormal ang nasabing pagpupulong..

ayoko nang i-elaborate pa ang mga detalye.. sana lang ay hindi na lumaki pa ang ganitong hindi pagkakaintindihan.. hindi naman po masamang magbaba ng pride at amining may pagkukulang at nagawang kamalian ang bawat isa.. at mas masaya ang college life pag me harmony ang mga studyante.. oo, pede nating iconsider na 'twist' at 'pampakulay' ang ganitong mga pangyayari sa buhay kolehiyo, syempre hindi tayo papayag na malamangan o maungusan tayo ng kalaban naten, pero ano bang napapala naten? nagpapalaki lang tayo ng pride.. habang lumalaki ang pride, mas mahirap na 'yong ibaba dahil masyado nang mabigat.. mas masakit na 'yun igive up..

kung akala natin na malaki ang mawawala sa tin sa oras na magpakumbaba tayo, hinde, magge-gain pa nga tayo actually.. parang 'excess fat' lang yan sa katawan, magaan sa pakiramdam pag na-burn.. saka papayag ba tayong tubuan ng wrinkles at malustay ang ating ever precious beauty? nakakastress ang away mga tsong.. di nga. once we give up our pride, mas madali na sa tin ang magpatawad at humingi ng apology.. at i-confess at tumanggap sa sarili na rin nating mga pagkakamali.. at dahil mga studyante tayo ng UP, malamang eh hindi tayo magsasawang matuto.. lalo na kung mali tayo..

sino bang hindi magsi-seek ng tamang sagot sa isang tanong na mali ang sagot niya nung una?
sino bang hindi mag-uulit ng computation sa isang math problem once marealize niya na siya lang ang may naiibang sagot among his/her classmates?

ano, handa ba tayong humanap sa tamang sagot? ;) cheerio guys!
wecandothis!